Richard Gutierrez inunfollow na rin si Sarah Lahbati sa IG

Richard Gutierrez inunfollow na rin si Sarah Lahbati sa IG

Therese Arceo |January 10,2024
facebook
share this

Richard Gutierrez inunfollow na rin si Sarah Lahbati sa IG

Therese Arceo - January 10, 2024 - 04:55 PM

Richard Gutierrez inunfollow na rin si Sarah Lahbati sa IG

Richard Gutierrez at Sarah Lahbati

TULUYAN na ring in-unfollow ng Kapamilya actor na si Richard Gutierrez ang kanyang estranged wife na si Sarah Lahbati.

Mas lalong tumitindi ang usap-usapan ng mga netizens hinggil sa tunay na estado ng relasyon ng dalawa dahil habang tumatagal ay mas napapatunayan ng mga ito na tila hiwalay na sila.

Nauna na naming ibalita kahapon, January 9, ang pag-unfollow ni Sarah kay Richard pati na rin sa mga kaanak nitong sina Ruffa, Raymond, at Annabelle Rama.

Makalipas nga lang ng ilang oras ay in-unfollow na rin ng mga Gutierrez si Sarah sa Instagram.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag sina Sarah at Richard ukol sa estado ng kanilang relasyon ngunit para sa mga Marites, sapat na ang nakikita nilang palitan ng mga cryptic messages at ang recent unfollowhan ng magkabilang kampo para mapatunayang wala na ang dalawa.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez, Barbie Imperial spotted together sa isang bar

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa halip na magbigay linaw, pinili na lang ni Sarah ang maging tahimik ukol sa isyu ngunit siniguro niya sa kanyang tagasuporta na nababasa niya lahat ng mga mensaheng ipinapadala ng mga ito sa kanya.

“Just wanted to say I see your messages, I hear you & I love uuuu,” saad ng asawa ni Richard.

Samantala, kamakailan lang nang mag-viral ang mga larawan at video ni Chard kasama ang aktres na si Barbie Imperial sa isang bar sa Alabang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pa namang pahayag na inilalabas sina Richard at Barbie hinggil sa kinasasangkutang isyu.

Ngunit chika naman ni Ogie Diaz, walang namamagitan sa dalawa at nagkataon lang na nagkatabi sila sa bar ng ilang minuto na siyang na-videohan at napicture-an ng netizens.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending