Richard Gutierrez, Barbie Imperial walang relasyon, sey ni Ogie

Richard Gutierrez, Barbie Imperial walang relasyon, sey ni Ogie Diaz

Therese Arceo |January 09,2024
facebook
share this

Richard Gutierrez, Barbie Imperial walang relasyon, sey ni Ogie Diaz

Therese Arceo - January 09, 2024 - 08:05 PM

Richard Gutierrez, Barbie Imperial walang relasyon, sey ni Ogie Diaz

NAGBIGAY opinyon ang talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz hinggil sa kumakalat na chikang may namamagitan kina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

Ito ay matapos mag-viral ang video ng dalawa together sa loob ng isang sikat na bar sa Alabang.

Sa kanyang latest episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update” sinabi nitong isa si Barbie sa mga may-ari ng bar kung saan sila nakitang magkasama ng Kapamilya actor.

“Ang totoo nyan, si Barbie Imperial ay isa sa mga shareholders ng Tipsy Pig. Ang may share si Barbie ay ‘yung [branch] sa Timog, QC [Quezon City] at Alabang,” panimula ni Ogie.

Pagpapatuloy pa ng talent manager, “So hilang siya ay isa sa mga may-ari, may obligasyon ito na pumunta sa kanilang mga negosyo at mag-entertain sa mga bisita. Para magpakita sa bisita na ‘yun ay puntahan ng mga artista.”

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez, Barbie Imperial spotted together sa isang bar

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Paglilinaw naman ni Ogie, walang share si Richard sa bar pero nagkataong kaibigan nito ang mga may-ari.

“Parang apat na tables ‘yun. Siyempre nagte-table hopping ang lolo mo dahil lahat ‘yun ay kaibigan niya.

“So nung naupo siya kay Barbie, nakunan ng picture. Kahit sino pang babae yan lalo na kung ang lalaki o yung babae na involved sa isang relasyon at sa isang hiwalayan, talagang tutukan ng mga Marites kung sino ang next na makakasama,” lahad ni Ogie.

Aniya, tulad ni Sarah, kung makikita itong may kasamang lalaki, makukunan rin ito ng larawan at ili-link sa nakasama.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez, mga anak 1 buwang nakikitira kay Annabelle Rama

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ganoon rin si Richard. Nagkatabi lang sila for like how many minutes daw doon sa table as per my source. Sandali lang yun [pero] pak pak pak lahat ng mga camera.

“May nag-video, may nag-picture, pero hindi nila alam ‘yung mga nangyayari doon na mayroong selebrasyon. Dumitetso pa si Barbie sa Poblacion at grineet ang ibang friends and staff ng Tipsy Pig, parang post Christmas party nila pero wala na roon si Chard,” sey ni Ogie.

Naka-motor lang rin daw si Richard na nagpunta sa bar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending