Ogie Diaz napatunayang hindi 'fake news'

Ogie Diaz napatunayang hindi ‘fake news’, KathNiel fans handa na bang mag-sorry?

Therese Arceo |December 01,2023
facebook
share this

Ogie Diaz napatunayang hindi ‘fake news’, KathNiel fans handa na bang mag-sorry?

Therese Arceo - December 01, 2023 - 03:28 PM

Ogie Diaz napatunayang hindi 'fake news', KathNiel fans handa na bang mag-sorry?

Ogie Diaz at KathNiel

MATAPOS aminin ni Kathryn Bernardo na totoo ang chikang hiwalay na sila ni Daniel Padilla, umugong rin ang pangalan ng talent manager na si Ogie Diaz.

Matatandaang unang narinig ang balitang hiwalay na sina Kathryn at Daniel nang ibalita niya ito sa kanyang “Showbiz Update” vlog.

Bagamat sinabi noon ni Ogie na hindi pa confirmed at hangad niya na sana ay patuloy pa rin ang relasyon ng dalawa, marami sa mga KathNiel fans ang nainis sa iniulat nito.

Mas lalo pa ngang nag-trending ang talent manager nang i-chika niya ang umano’y pagkakaugnay ni Andrea Brillantes sa hiwalayan ng dalawa at ang patago umanong pagkikita ng dalawa dahil pati na rin ang fans ni Blythe ay pumalag na.

Binansagan pa nga si Ogie bilang “fake news peddler” ng mga ito at sinabing puro kasinungalingan ang ipinapakain sa pamilya.

Pinalagan naman ito ng talent manager at sinabing, “May naibalita lang kami na sinabi naman namin na di pa confirmed at sana di totoo, fake news peddler na raw kami. So pag tama ba kami, sasabitan nyo kami ng medalya?”

Baka Bet Mo: Ogie Diaz binansagang ‘fake news peddler’ ng KathNiel at Andrea supporters, pumalag: So pag tama ba kami, sasabitan nyo kami ng medalya?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pamba-bash at pagtawag ng kung anu-ano kay Ogie dahil sa paninindigan nito sa mga inihahayag na showbiz chika.

At kahapon nga, November 30, tuluyan nang nakumpirma mismo ni Kathryn na totoong wala na sila ni Daniel at napatunayang may katotohanan ang mga naunang pahayag ng talent manager hinggil sa relasyon ng dalawa.

Ngunit para sa fans ng mga KathNiel, wala silang dapat ihingi ng sorry kay Ogie dahil kahit tama ito ay hindi pa rin daw dapat nito pinangunahan sina Kathryn at Daniel.

Ayon pa sa kanila, hindi pa rin tama na ginawang content ng talent manager ang paghihirap ni Kathryn sa sitwasyon.

“oo tama si ogie diaz at cristy fermin pero wala pa rin silang right to expose someone’s breakup. it’s still not right na unahan yung mga taong involved sa pag-announce. tama yung sinasabi nila all along pero mali pa rin yung move nila,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Bat magsosorry ? Tama ba na sila una nagsabi sa dapat na pribado muna?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“and lol i don’t see the need to apologize to cristy fermin and ogie diaz. you just made it harder for the two (most esp to kathryn) to deal with their relationship by instigating their breakup in public. seven f*ck*ng words — it was not your story to tell,” hirit naman ng isa.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Ogie hinggil sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending