Ogie Diaz binansagang 'fake news peddler' ng mga KathNiel at Andrea supporters, pumalag: So pag tama ba kami, sasabitan nyo kami ng medalya?

Ogie Diaz binansagang ‘fake news peddler’ ng KathNiel at Andrea supporters, pumalag: So pag tama ba kami, sasabitan nyo kami ng medalya?

Therese Arceo |November 09,2023
facebook
share this

Ogie Diaz binansagang ‘fake news peddler’ ng KathNiel at Andrea supporters, pumalag: So pag tama ba kami, sasabitan nyo kami ng medalya?

Therese Arceo - November 09, 2023 - 07:56 PM

Ogie Diaz binansagang 'fake news peddler' ng KathNiel at Andrea supporters, pumalag: So pag tama ba kami, sasabitan nyo kami ng medalya?

Ogie Diaz, Kathryn Bernardo, Daniel Padillla, Andrea Brillantes

HINDI mapigilan ng mga supporters ng Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Andrea Brillantes na manggigil sa latest chika na ibinahagi ni Ogie Diaz.

Kasalukuyang trending ngayon sa X (dating Twitter) ang talent manager matapos niyang ibalita sa kanyang “Showbiz Update” vlog na diumano’y si Andrea daw ang dahilan ng “hiwalayan” ng KathNiel at palihim rin daw na nagkikita ang dalawa.

Giit naman ni Ogie, hindi pa naman kumpirmado kung totoo ang mga sinabi ng kanyang source.

Agad namang nag-react ang mga netizens lalung-lalo na ang mga tagasuporta ng KathNiel maging ng young actress na si Blythe.

Sa sobrang gigil ng mga ito kay Ogie ay binansagan nila ang talent manager ng “fake news peddler”.

“Since the beginning, we wanted to be the bigger persons. For so long, kahit below the belt, we were told not to engage & endure all the bashing kay Blythe. But now, the management has to do its part. PROTECT THE ARTISTS YOU’VE BEEN MILKING FOR YEARS!

Baka Bet Mo: Daniel Padilla, Andrea Brillantes palihim na nagkikita ayon sa chika kay Ogie Diaz, how true?

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“OGIE DIAZ FAKENEWS PEDDLER,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Just came across that one tiktok vid nung anak mo na babae @ogiediaz and you’re so protective of her. sinaway mo sya sumayaw sa labas kasi may mga lalaki. so why are you doing this to andrea and kath? why are you setting them up?”

“confirm ba’t pinublish? For what? For clout? Jusko magsama nga kayo ng baklang kanal na yan napaka Tanga mag isip! OGIE DIAZ FAKENEWS PEDDLER,” dagdag naman ng isa.

Pumalag naman ang talent manager ukol sa mga ibinabato laban sa kanya.

“May naibalita lang kami na sinabi naman namin na di pa confirmed at sana di totoo, fake news peddler na raw kami. So pag tama ba kami, sasabitan nyo kami ng medalya?” sey ni Ogie.

Sa hiwalay na tweet ay nagpasalamat pa ito sa mga netizens.

“Salamat sa mga nagpapa-trending. Ang importante, napasaya ko kayo,” ani Ogie.

Nananatili namang walangvphayag sina Kathryn, Daniel, at Andrea ukol sa isyu. Bukas naman ang Bandera para sa paglilinaw ng mga kampo na dawit sa isyung ito.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz ibinandera kung paano sinigawan si Yen Santos para makaiyak sa eksena: Huwag ka nang mag-artista!

Ogie Diaz naaawa na kay Dennis Padilla dahil sa pangdededma ng mga anak: ‘Itinakwil na ba siya bilang tatay?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending