Andrea Brillantes hindi takot sa ahas: May mga kilala naman akong ganito | Bandera

Andrea Brillantes hindi takot sa ahas: May mga kilala naman akong ganito

Therese Arceo |November 02,2023
facebook
share this

Andrea Brillantes hindi takot sa ahas: May mga kilala naman akong ganito

Therese Arceo - November 02, 2023 - 05:42 PM

Andrea Brillantes hindi takot sa ahas: May mga kilala naman akong ganito

HANGGANG ngayon ay usap-usapan pa rin ang aktres na si Andrea Brillantes lalo na ang kanyang naging Halloween outfit nang dumalo ito sa isang event.

Ito ay dahil may hawak-hawak siyang buhay na dilaw na sawa para on point ang kanyang Halloween awra bilang “Lilith”, isang Mesopotamian at Judaic mythology female figure at ang diumano’y unang asawa ni Adam ngunit nawala sa Garden of Eden dahil sa hindi nito pagsunod sa asawa.

At sa kanyang panayam sa ABS-CBN News ay natanong si Andrea kung hindi ba siya kinakabahan sa kanyang dala-dala.

“No naman kasi kapag mas kinabahan ako, mararamdaman niya ‘yun,” sagot ng dalaga.

Pag-amin pa ni Andrea, nais rin talaga niyang mag-alaga ng ahas ngunit ayaw niya namang pakainin ito ng daga.

“Gusto ko talagang mag-alaga ng snake kaya lang ayoko kasing mag-feed ng rat. Kawawa naman [yung mga rat],” sabi niya.

Baka Bet Mo: Ricci Rivero ‘nilaglag’ si Andrea Brillantes, pumupunta sa kanyang condo tuwing madaling araw para makipagbalikan

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Dagdag pa ni niya, wala siyang dapat katakutan sa ahas.

“Tsaka ba’t pa ako matatakot? May mga kilala naman akong ganito. Char! Char ko lang,” nakangiting sey ni Andrea.

Lately ay matunog ang pangalan ng aktres dahil sa hindi matapos tapos na isyu nito sa kanyang ex-dyowa na si Ricci Rivero na lalo pang naging maingay nang ibandera nito ang bagong relasyon sa beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista.

Isang pasabog rin ang inihayag nito sa mensaheng ipinadala niya kay DJ JhaiHo.

“Hindi naman ako nagsasalita nung mga nakakasama at kausap din silang iba sa bars. Pumupunta siya [Andrea] ng condo ko ng madaling araw ilang beses for what? Para makipagbalikan. Nag yes ba ako? Hindi. Kasi ayoko na and sinabi ko yan sa kanya paulit-ulit. So I am the bad person here for not publicly telling everyone that I am single,” lahad ni Ricci.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, wala namang naging diretsahang pahayag ang Kapamilya actress hinggil sa sinabi ng basketbolista.

Related Chika:
Andrea Brillantes tinuksu-tukso matapos magpa-picture sa MVP ng 2023 FIBA World Cup, inokray ng mga bastos na netizens

Andrea Brillantes bet i-date si Jakob Poturnak, panawagan sa binata: I’m single now

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending