Ricci Rivero 'nilaglag' si Andrea Brillantes, pumupunta sa kanyang condo tuwing madaling araw para makipagbalikan | Bandera

Ricci Rivero ‘nilaglag’ si Andrea Brillantes, pumupunta sa kanyang condo tuwing madaling araw para makipagbalikan

Therese Arceo |October 25,2023
facebook
share this

Ricci Rivero ‘nilaglag’ si Andrea Brillantes, pumupunta sa kanyang condo tuwing madaling araw para makipagbalikan

Therese Arceo - October 25, 2023 - 09:01 PM

Ricci Rivero 'nilaglag' si Andrea Brillantes, pumupunta sa kanyang condo tuwing madaling araw para makipagbalikan

MUKHANG hindi na mapipigilan ang basketbolistang si Ricci Rivero sa pagpalag sa mga taong patuloy na nangnenega sa kanya at sa bagong relasyon niya sa beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista.

Magpasahanggang ngayon kasi ay kinukondena ng madlang pipol ang bagong amin na magdyowa dahil matapos ang ginawang pagdedenay noon ukol sa kanilang relasyon ay tuluyan na nga ngang umamin ang dalawa.

Kaya naman hindi mapigilan ng mga netizens lalo na ng mga tagasuporta ng dati nitong karelasyon na si Andrea Brillantes ang i-bash si Ricci dahil tila pinatotohanan lang daw nito ang kanilang hinala noon.

Maging ang isa sa mga bestfriend ni Andrea na si Bea Borres ay nadamay na rin sa isyu matapos sagutin ng basketbolista ang kanyang tweet na “lol hanggang hard launch nag mamalinis lmfao no.”

Sey ni Ricci, “puro tweet bea gusto mo maglabasan tayo ng labada?Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi ka lifeline para may bala ka bago ka mag reply publicly for your publicity. Sayang pakikiaalam mo kung di ka kasama sa headline.”

Sa episode kahapon ng “Marites University” ay ibinahagi ni DJ Jhaiho ang mensaheng ipinadala sa kanya ng binata.

Baka Bet Mo: Hamon ni Ricci sa friend ni Andrea: ‘Gusto mo maglabasan tayo ng labada? Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Paglilinaw ni Ricci, hindi kailanman naging third party si Leren.

“Hindi ko naman siya pipigilan kung gusto niyang sumawsaw at hindi sila maka-move on sa hindi ko pakikipagbalikan sa kaibigan niya pero doon lang tayo sa totoo. Hindi third party si Leren, alam nila yan. Huwag silang pa-clickbait para makuha ang simpatya ng tao at sirain kami.

“Mag mo-move on kami nang maayos nang walang nasasaktan dahil hindi na ako papayag na may madamay pang iba para lang sa good publicity nila,” lahad ni Ricci.

Dinipensahan rin niya ang sarili ukol sa kanyang naging pagsagot sa isa sa mga kaibigan ng dating dyowa.

“Jai, never akong pumatol sa kanila kahit sa lahat ng pagpaparinig nila. We all know who she’s pertaining to sa mga tweets niya from the very start. Nag reply ako kasi sumosobra na sila and meron naman talaga ako alam sa kanila pareho pero hindi ako nagsasalita kasi hindi ako yung tao para manira. You all know me from the beginning,” sey pa ni Ricci.

Aniya, ilang beses na raw silang nag-break ni Andrea early this year at magulo na talaga ang kanilang relasyon.

“Nakilala ko si Leren May 26, Jai. And alam nilang mag bestfriend na wala na kami that time. We broke up a couple times na early this year kaya magulo na talaga. Nakikipagbalikan siya and nung last time na May 6 sinabi niya na wala na, end na because of the girl na alam naman niya na kasama ng friend ko yun na pumunta doon so paanong overlap doon Jai?” lahad ni Ricci.

Dagdag pa niya, “Hindi naman ako nagsasalita nung mga nakakasama at kausap din silang iba sa bars. Pumupunta siya ng condo ko ng madaling araw ilang beses for what? Para makipagbalikan. Nag yes ba ako? Hindi. Kasi ayoko na and sinabi ko yan sa kanya paulit-ulit. So I am the bad person here for not publicly telling everyone that I am single.”

Baka Bet Mo: Nanay ni Ricci may patama sa toxic na relasyon: ‘Walang niloko at walang nanloko, hindi lang sila ang gustong magkatuluyan ng tadhana’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sinabi rin ni Ricci na pinakiusapan daw siya ni Andrea na huwag munang sabihin ang kanilang paghihiwalay para pangalagaan ang image nito.

“She asked me not to let people know muna kasi baka masira ang image niya tapos nung hindi ako pumayag makipagbalikan, sisiraan na ako bigla. Nanahimik ako sa lahat ng detalye at tiniis lahat lahat ng paninira dyan sa laundry na yan, sa mga gamit sa bahay para lang pagbigyan ang coping mechanism nila pero sobra na.

“Wala naman nang mawawala sa akin so bakit ‘di ako magsasalita kung gusto pala nila ng detalye at hanggang ngayon, hindi sila matigil sa kahibangan nila sa buhay ko,” kuwento pa ni Ricci.

Dagdag pa niya, kaya rin naman daw niyang ikuwento kung anuman ang mga pangit na naranasan niya sa kanilang relasyon ngunit pinili raw niyang manahimik bilang respeto sa kanilang pinagsamahan.

“Kaya ko rin naman ikuwento lahat ng pangit sa isang taon naming pagsasama pero hindi ko nilalabas sa publiko dahil may respeto ako sa kanila at sa pinagsamahan pero kung pati future ko nakadepende sa nakaraan na ‘yan, hindi na ako papayag,” giit pa ni Ricci.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, wala pa namang reaksyon si Andrea hinggil sa sinabi ng dating nobyo.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag nina Andrea at Ricci ukol sa isyung ito.

Related Chika:
Ricci Rivero basag na basag matapos umaming dyowa na si Leren, may patama pa raw kay Andrea: ‘Drama-drama sa umpisa aamin din pala!’

Ricci Rivero umaming dyowa si Leren Mae Bautista: Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending