Ricci Rivero sinupalpal ang komentong ‘maglaba ka na lang’

Ricci Rivero sinupalpal ang komentong ‘maglaba ka na lang’, lalong pinag-initan ng netizens

Pauline del Rosario |October 20,2023
facebook
share this

Ricci Rivero sinupalpal ang komentong ‘maglaba ka na lang’, lalong pinag-initan ng netizens

Pauline del Rosario - October 20, 2023 - 10:11 AM

Ricci Rivero sinupalpal ang komentong ‘maglaba ka na lang’, lalong pinag-initan ng netizens

PHOTO: Instagram/@riciiirivero

MATAPANG na sinagot ng basketball player na si Ricci Rivero ang tila pang-aasar ng isang netizen habang siya ay nanonood ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) games kamakailan lang.

Ayon sa isang X (dating Twitter) post, imbes na manood ng laro ay dapat maglaba nalang daw si Ricci.

“Maglaba ka na lang [please]. ‘Wag ka na manood ng [University of the Philippines’] games, [Ricci],” saad ng fan account na may username na @yupimaroons.

Hindi naman ito pinalagpas ng basketbolista at agad naman siyang nag-reply sa tweet.

Sagot ni Ricci, “Ah, wala pumapansin sayo sa bahay kaya dito ka hahanap ng papansin? [Laughing out loud] as bida-bida.”

Baka Bet Mo: Jake Zyrus naimbyerna sa mga nagkukumpara sa kanya kay Charice: Anong gusto ninyong mangyari?

PHOTO: X/@riciiirivero

Makikita sa reply section na tila lalo siyang pinag-initan ng maraming netizens at lalo pang inasar.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Tama ka na cheater. Laba ka muna ng damit mo.”

“Pero ikaw ‘yung talo kasi pinansin mo haha!!!”

“Deny deny pa kayo ni Leren noon pero holding hands kayo sa MOA Arena kahapon. Lolllllll”

“Maglaba ka kasing hinayupak ka. Ang asim mo men. Hahaha. Nakakahiya ka hahahahahaha”

Kung maaalala noong Hulyo, pinayuhan ng dating girlfriend ni Ricci na si Andrea Brillantes ang kanyang fans patungkol sa pagmo-move on matapos ang breakup.

At diyan nga may nabanggit ang Kapamilya young actress na nagkaroon siya ng ex-dyowa na hindi nagpapalaba ng isang taon.

“Minsan, kung hirap kang mag-move on, kailangan mo talagang isipin ang mga bagay na, ‘Talaga ba? Iiyakan ko ba ‘yung lalaking hindi nagpapa-laundry nang isang taon?’” sey ni Andrea sa isang YouTube vlog.

Klarong walang binanggit na pangalan ang aktres, pero ang hula ng fans ay si Ricci ang tinutukoy ni Andrea.

Noong June 9 nang kumpirmahin ng basketball player ang paghihiwalay nila ni Andrea.

Nagpa-interview pa nga si Ricci sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan sinagot nito ang mga katanungan ukol sa naging paghihiwalay nila ng aktres.

Isa sa mga sinagot ng binata ay ang nag-viral na larawan kung saan nahuli siya ng dalaga na may kasamang babae sa kanyang condo.

Pagpapaliwanag ni Ricci, wala raw kaugnayan sa kanya ang naturang babae na nakita ni Andrea at kasama raw ito ng kanyang kaibigan nang bisitahin siya sa tinitirhan.

Matapos mag-trending ang pahayag na ‘yan ni Ricci, ibinunyag ng host na si DJ JhaiHo na agad niyang tinext ang dalaga upang tanungin kung may katotohanan nga ba ang mga sinasabi ng basketbolista.

Sagot sa kanya ni Andrea, “LOL. Nakalimutan niya yatang sabihin na hubad kong nadatnan ‘yung girl…hubad sa kwarto niya. Tulog siya (Ricci).”

Ang beauty queen at Los Baños Councilor na si Leren Mae Bautista ang itinuturong dahilan umano ng netizens kaya naghiwalay sina Ricci at Andrea.

Itinanggi ito nina Ricci at Leren, pero until now ay kumakalat sa social media na ilang beses na silang spotted na magkasama.

Related Chika:

Janno nakipagsagutan sa bashers matapos maglabas ng sama ng loob sa ‘Showtime’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ethel Booba naglabas ng galit: ‘Nakakaloka kayo! Itigil n’yo na yang game show n’yo!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending