Jake Zyrus naimbyerna sa mga nagkukumpara sa kanya kay Charice: Anong gusto ninyong mangyari? | Bandera

Jake Zyrus naimbyerna sa mga nagkukumpara sa kanya kay Charice: Anong gusto ninyong mangyari?

Therese Arceo |April 15,2023
facebook
share this

Jake Zyrus naimbyerna sa mga nagkukumpara sa kanya kay Charice: Anong gusto ninyong mangyari?

Therese Arceo - April 15, 2023 - 03:57 PM

Jake Zyrus naimbyerna sa mga nagkukumpara sa kanya kay Charice: Anong gusto ninyong mangyari?
HINDI napigilan ng singer na si Jake Zyrus ang maglabas ng sama ng loob sa social media sa mga taong patuloy na binubuhay si Charice Pempengco.

Matatandaang kamakailan ay muli na namang napag-usapan si Charice matapos itong muling mabanggit ng kanyang ina na si Raquel Pempengco nang pasimple niya itong ikumpara kay Morisette Amon.

Si Charice ay ang dating katauhan ni Jake bago pa man ito mag-out bilang miyembro ng LGBTQIA+ community.

Kahit na walang binabanggit na pangalan ay mahahalata na nangigigil ito sa pagkukumpara ng dating siya sa singer na si Morissette Amon sa nagdaang concert ng Canadian composer na si David Foster noong Marso.

“Anong gusto ninyong mangyari? Bubuhayin si Charice? Paano? Scientifically, wala, e. It’s impossible because I’m already taking, like, hormones because that’s who I am,” saad ni Jake sa isa sa kanyang gaming session nangyari bago pa ang Holy Week.

“So, anong, like, the f*ck*ng stupid question… Questions na, ‘Oh, can you bring back your voice?’ That’s not possible!

“So, some of you just shut up and listen to your Charice’s songs in your own f*ck*ng time!” pagpapatuloy pa ni Jake.

Baka Bet Mo: Raquel Pempengco may patutsada sa concert ni David Foster: Nag-iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco

Aniya, isang malaking kawalan ng respeto sa kanya at sa iba pang mga singers ang ginagawang pagkukumpara kay Charice.

Ipinaalala pa nga ni Jake na matagal nang wala ang singer na sumikat internationally na hinangaan ng nakararami.

“And to actually compare the old me to some of the greatest singers out there, hindi lang disrespectful sa akin yon! Disrespectful din sa kanila yon!

“You’re literally comparing these singers to the person that doesn’t even exist anymore! Do you guys even think about that?” gigil pang sey ni Jake

Ngunit marami pa rin sa mga loyal fans ni Charice ang nagpaalala sa kanyang mga pahayag noon na tila salungat na sa sinasabi niya ngayon.

“She’s my hero. Kalimutan na nila ako pero huwag nilang kakalimutan ang narating ni Charice,” lahad noon ni Jake.

Related Chika:
Ogie Diaz tinawag na ‘tanga’ ang nanay ng singer: ‘Kakakain mo ‘yan ng halo-halo Mommy!’

Ogie Diaz pinagsabihan si Raquel sa pagkukumpara kay Charice at Morissette: Baka pwede mong i-assess ang sarili mo kung saan ka nagkamali

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagpapakita ng katawan ni Jake Zyrus binanatan: Naku po! Parang ako na nahihiya sa ginagawa mo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending