Ogie Diaz pinagsabihan si Raquel sa pagkukumpara kay Charice at Morissette: Baka pwede mong i-assess ang sarili mo kung saan ka nagkamali | Bandera

Ogie Diaz pinagsabihan si Raquel sa pagkukumpara kay Charice at Morissette: Baka pwede mong i-assess ang sarili mo kung saan ka nagkamali

Therese Arceo |March 30,2023
facebook
share this

Ogie Diaz pinagsabihan si Raquel sa pagkukumpara kay Charice at Morissette: Baka pwede mong i-assess ang sarili mo kung saan ka nagkamali

Therese Arceo - March 30, 2023 - 06:21 PM

 Ogie Diaz pinagsabihan si Raquel sa pagkukumpara kay Charice at Morissette: Baka pwede mong i-assess ang sarili mo kung saan ka nagkamali

HINDI nagustuhan ng talent manager na si Ogie Diaz ang ginawang pagtalak ni Raquel Pempengco sa social media ukol sa nagdaang concert ni David Foster.

Matatandaang nitong March 21 hanggang March 26 ay nagkaroon ng concert ang Canadian composer sa The Theater ng Solaire Resort and Casino.

Kaya naman pinalagan ni Ogie ang naging pahayag ni Raquel sa kanyang Facebook account na ngayon ay tila deleted na.

Kahit wala kasing sinabing pangalan ang ina ni Jake Zyrus ay halata namang ikinukumpara nito ang naging performance ni Morissette Amon sa naging performance ni Charice noon nang mapasama siya sa concert ng Canadian singer.

“Nakakaloka ito, Loi, ‘no. Si Raquel Relucio Pempengco, yung nanay ni Charice Pempengco na ngayon ay si Jake Zyrus na, ay meron siyang kuda. May real talk dahil kung matatandaan natin, kumanta si Morissette Amon sa saliw ng tugtugin sa piano ni David Foster,” umpisa ni Ogie.

Chika pa niya, ang dating raw ng kanyang post ay tila hindi pa rin nito tanggap ang personal choice ng anak sa kung ano ang kanyang kasarian.

“Wala namang problema, magkaiba naman si Charice Pempengco at si Morisette Amon. Kung feeling mo eh hindi nabigyan ng justice ni Morissette Amon yung kanta, at yung anak mo lamang ang makakakanta. Eh babalik na naman tayo sa dati na parang hindi mo gusto talaga ang pagbabagong anyo ni Charice Pempengco na ngayon ay si Jake Zyrus na, diba?” sey ni Ogie.

“Kasalanan ba ni Morissette kung kumanta siya? Kasalanan din ba ni David kung pakantahin niya yung kanta niya dito kay Morisette? Wala rin namang kasalanan si Charice kung nagbago siya ng anyo pero para kumuda ka ng ganito, parang hindi maganda,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Payo ng nanay ni Jake Zyrus sa mga baguhang artist: Sabi ni Oprah kay Charice noon kapag inuna ang yabang walang patutunguhan

Read more: https://bandera.inquirer.net/327107/payo-ng-nanay-ni-jake-zyrus-sa-mga-baguhang-artist-sabi-ni-oprah-kay-charice-noon-kapag-inuna-ang-yabang-walang-patutunguhan#ixzz7xR1pCA6z
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

Ayon pa kay Ogie, dapat raw ay tanggapin na lang ni Raquel na nagbabago ang mga tao maging ang sarili niyang anak.

“Yung opinyon mo ginagalang ko, pero siyempre tignan mo naman, nag-opinyon ang mga tao. Bina-bash ka tuloy. Baka pwede mong i-assess ang sarili mo kung saan ka nagkamali. Kung nagkamali ka ba sa mga kuda mo.

“Walang problema kung ipagtatanggol mo ang anak mo kasi anak mo yan. Walang problema kung idedepensa mo siya ay kung feeling mo ay si Charice lang o si Jake Zyrus lang ang makapagbibigay ng justice sa song, wala namang problema. Ang problema, may sinasagasaan kang ibang tao. Yun ang hindi maganda,” sabi ni Ogie.

Hirit pa ng talent manager, sana raw ay baguhin na ng ginang ang ganitong gawi.

Sinagot naman ng ina ni Jake Zyrus ang naging vlog ni Ogie sa pamamagitan ng pag-post sa Facebook.

Makikitang nag-upload ito habang kumakain ng halo-halo na masarap na meryenda sa mainit na panahon at mainit na isyu nila.

“Magpalamig muna tayo mga Bashers ko…masyadong umuusok ilong nyo sa akin eh….lalo ng si Ogie Diaz lalo tuloy lumalaki ilong…

“Tatawanan ko na lang kayo.. Sige pa trending pa more….Abangan nio maglalabas pa ako ng ikagagalit pa ninyo…bwahahaha,” mapang-asar na sabi ni Raquel.

Mukha namang dedma lang sina David Foster at Morissette sa talak ng ina ni Jake Zyrus.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng mga kampong sangkot sa mainit na isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Raquel Pempengco naglabas ng hinanakit kay Jake Zyrus: Sobrang sakit po pero hindi dahil sa pera…

Ogie Diaz nanghihinayang sa career ni Liza Soberano: Pinaghirapan naming lahat ‘yun kung nasaan siya nandoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending