Ogie Diaz nanghihinayang sa career ni Liza Soberano: Pinaghirapan naming lahat 'yun kung nasaan siya nandoon | Bandera

Ogie Diaz nanghihinayang sa career ni Liza Soberano: Pinaghirapan naming lahat ‘yun kung nasaan siya nandoon

Therese Arceo |February 23,2023
facebook
share this

Ogie Diaz nanghihinayang sa career ni Liza Soberano: Pinaghirapan naming lahat ‘yun kung nasaan siya nandoon

Therese Arceo - February 23, 2023 - 06:11 PM

Ogie Diaz nanghihinayang sa career ni Liza Soberano: Pinaghirapan naming lahat 'yun kung nasaan siya nandoon
MAY panghihinayang na nararamdaman ang talent manager na si Ogie Diaz sa nangyayari sa dating alaga na si Liza Soberano.

Napag-usapan kasi nila ang dalaga sa “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Tita Jegs dahil usap-usapan ang nangyari sa Instagram account nito na inakala ng mga fans ay na-hack.

Nagtataka nga raw si Ogie kung bakit siya pa rin ang tinatanong ng mga tao ukol sa dalaga gayong hindi naman na ito ang kanyang manager at wala na itong balita masyado sa aktres.

Matatandaang nasa pangangalaga na ng Careless Music label ng aktor na si James Reid.

“Ang nakarating sa atin ay hindi naman talaga na-hack ang YouTube at IG ni Liza Soberano. Parang nilinis lang. Definitely, ‘yung pina-follow niya, nawala nang lahat pero siguro ‘yung posts naka-hide na o tinanggal na niya, hindi natin alam,” saad ni Ogie.

Kahapon nga nang muling mag-post si Liza ng series if photos sa kanyang Instagram account.

Pakiramdam raw nina Ogie, “bagong simula” ito para kay Liza. Maaari rin daw na rebranding ang nangyayari lalo na’t nasa bagong management na ang aktres.

Pero kung siya ang tatanungin, sana raw ay hindi na lang tinanggal ni Liza ang mga posts dahil nagsisilbi itong “memories” at “history” ng kanyang pinagdaanan.

Inamin rin ni Ogie na nakararamdam siya ng panghihinayang sa career ni Liza.

“Nanghihinayang ako sa career ni Liza, wa echos kasi nandoon na siya. Siyempre nahu-hurt ako bilang former manager na nakakabasa ako ng ‘Ano nang ginagawa ni Liza sa sarili niya? Bakit nag-iiba na siya ng direksyon? Bakit noong nandoon pa siya sa ABS-CBN o kay Ogie Diaz maganda naman o maayos naman ang palakad sa kanya. Bakit nagiging fan na lang ng Kpop si Liza?’ Yung mga ganoon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)

“Siyempre hindi ko naman alam ang isasagot ko sa mga fans dahil unang-una, hindi na ako ang manager. Nanghihinayang lang ako kasi pinaghirapan naming lahat ‘yun kung nasaan siya nandoon,” sey ni Ogie.

Ngayon raw kasi ay iilan na lamang ang mga commercials na nakikita si Liza bagamat may mga nag-renew pero hindi matutukoy kung hanggang saan o kailan pa ang mga endorsements.

“Siyempre hindi natin alam kung yung mga suki ng endorsements ng mga brands ni Liza ay uulit pa lalo na’t hindi nila nakikita locally o sa mga palabas sa TV si Liza dahil pinili na nga niyang sa US sumubok at magbakasakaling makilala siya,” pagpapatuloy pa ni Ogie.

Ngunit sa kabila nito ay nauunawaan naman raw niya ang dalaga sa kung ano ang gusto at magpapasaya rito.

Lahad pa ni Ogie, “Pero siyempre alam ko naman ang kabuhayan nila Liza. Alam ko naman na lahat ng meron siya ngayon ay dahil rin sa kanya, sa pag-aartista niya. Hindi naman siya bago nag-artista ay mayaman na sila.

“Kaya ako nanghihinayang ako bilang former manager doon sa mga nakakawalang proyekto para kay Liza… kasi hindi rin naman nagkulang ang ABS-CBN ng pitching sa kanila ni Enrique Gil… pero wala silang inaaprubahan.”

Bagama’t nanghihinayang ay mukhang masaya naman si Liza sa kasalukuyan niyang ginagawa na gumawa ng pangalan sa Hollywood.

Chika pa ni Ogie, paniguradong open pa rin ang ABS-CBN sa aktres sakaling naisin nitong bumalik at isa siya sa mga unang matutuwa kapag nangyari ito.

Related Chika:
Ogie Diaz may sama ba ng loob sa mga dating alagang sina Vice Ganda at Liza Soberano?

Ogie Diaz pinatunayang hindi naghiwalay sina Liza Soberano at Enrique Gil

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz out na bilang manager ni Liza, walang sama ng loob: ‘Yung utang na loob ko sa batang yan ay napakalaki

Liza never lumandi, hindi basta-basta pumapatol sa lalaki; Ogie walang sama ng loob kay James

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending