Ogie Diaz pinatunayang hindi naghiwalay sina Liza Soberano at Enrique Gil | Bandera

Ogie Diaz pinatunayang hindi naghiwalay sina Liza Soberano at Enrique Gil

Reggee Bonoan |June 09,2022
facebook
share this

Ogie Diaz pinatunayang hindi naghiwalay sina Liza Soberano at Enrique Gil

Reggee Bonoan - June 09, 2022 - 06:22 PM

Liza Soberano at Enrique Gil

MARIING pinabulaanan ng ex-manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz na hiwalay na ang aktres sa boyfriend nitong si Enrique Gil.

Ang LizQuen ang nasa top 2 na hula ng netizens na hiwalay na base sa isang blind item na lumabas sa isang showbiz website.

Ang top 1 ay ang KathNiel, pero matigas din itong pinabulaanan ng kampo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Going strong ang KathNiel lalo’t kaka-celebrate lang nila ng kanilang 10th anniversary at kahit dumadaan sila sa maraming pagsubok ay hindi pa rin sila patatalo dahil nga unti-unti na nilang natutupad ang kanilang mga pangarap.

Going back to LizQuen, ikinuwento ni Ogie, na nasa Amerika ngayon sa vlog nila nina Mama Loi, Ate Mrena at Tita Jegs na “Showbiz Update” na in-upload kagabi, na hindi totoo ang tsikang hiwalay na ang dalawa.

“Ang hula ay ang LizQuen kasi si Liza kasama ni James Reid sa Gala night sa Hollywood tapos si Enrique naman ay nasa Spain. So, feeling nila bakit hindi raw magkasama ang LizQuen at ngayon lang naghiwalay sa out of the country trip.

“Siyempre tayo rin ang tinanong ng fans tapos nag-tweet pa tayo ng ako rin nagtataka kaya ‘yung iba ipinapalagay na sina Enrique Gil at si Liza ang tinutukoy ko, hindi po politiko po ang tinutukoy ko ro’n.

“Ngayon po kung tungkol sa LizQuen ay hindi po sila hiwalay.  Hiwalay lang sila ng bansa na pinuntahan,” pagkaklaro ng talent manager at vlogger.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)


Kasama ng aktor ang pamilya niya sa Spain at ang aktres ay kasama naman niya ang bago niyang manager na si James Reid at team nito sa Hollywood.

Sa pagpapatuloy ni Ogie, “Tawa nang tawa si Liza nang makarating ito sa kanya kasi tinanong siya ng Tita Joni niya kung sila pa ba ni Quen.

“’Oo naman!’ Sabi raw ni Liza. Ano ba ‘yan, si Quen pa nga ang susundo sa kanya sa airport sa pagbabalik dito from Hollywood, LA.’ So, definitely hindi nga ang LizQuen ‘yun. So, tinatanong nila ngayon, sino?” sabi ni Ogie.

Hindi rin daw alam ni Ogie kung sino ang tinutukoy dahil nga blind item pero base sa pagkakasabi nito ay mukhang alam na niya dahil ang ganda ng kanyang ngiti.

“Ako ay naguguluhan sa blind item at ‘yung iba ay nalulumaan,” sambit pa ni Ogie.

Kaya abangan na lang natin ang pagbabalik ni Liza Soberano sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Liza Soberano wala nang kontrata sa ABS-CBN; Enrique Gil lilipat na sa GMA 7?

Ogie sa haters ni Liza: Wala namang nakikitang maganda ang bashers, kaya nga sila bashers, di ba?

Ogie sa secret wedding daw ng LizQuen: Totoo ba ‘to? Ako ‘yung manager hindi ko alam?!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending