Ogie Diaz out na bilang manager ni Liza, walang sama ng loob: 'Yung utang na loob ko sa batang yan ay napakalaki | Bandera

Ogie Diaz out na bilang manager ni Liza, walang sama ng loob: ‘Yung utang na loob ko sa batang yan ay napakalaki

Therese Arceo |May 27,2022
facebook
share this

Ogie Diaz out na bilang manager ni Liza, walang sama ng loob: ‘Yung utang na loob ko sa batang yan ay napakalaki

Therese Arceo - May 27, 2022 - 02:43 PM

Ogie Diaz magpapaalam na bilang manager ni Liza, inaming walang sama ng loob: 'Yung utang na loob ko sa batang yan ay napakalaki

NAGSALITA na ang showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz ukol sa estado ng kanyang pagma-manage sa Kapamilya actress na si Liza Soberano.

Marami kasi ang mga lumabas na haka-haka na mukhang hindi na nga siya ang magma-manage sa aktres matapos itong mamataang kasa-kasama ni James Reid sa Gold Gala sa Los Angeles.

At ngayon nga ay tuluyan nang kinumpirma ni Ogie na hindi na siya ang manager ng girlfriend ni Enrique Gil.

“Marami na ang nag-approach sa akin. Marami na rin ang tumatawag sa akin kung si Liza ba under my management pa rin at pag may nag-iinquire sa akin ay ipinapasa ko sa iba.

“Unang-una sa lahat, legally speaking, ako pa rin ang manager ni Liza Soberano hanggang May 31, 2022,” saad ni Ogie.

Aniya, 11 years na rin ang naging pagsasama nila ng dalaga buhat nang magsimula ito sa showbiz career nito.

Aminado si Ogie na hindi naging smooth-sailing ang relasyon ng dalaga pero marami silang mga pagsubok na pinagdaanan at nalagpasan ng matiwasay.

Bago pa man mag-expire ang kontrata ni Liza ay tinanong na niya ang alaga kung nais ba nitong mag-renew ng kontrata sa kanya ngunit nagdesisyon ang aktres na huwag na dahil nais nitong i-pursue ang karera sa Hollywood.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)


Bukal naman sa loob na tinanggap ni Ogie ang nagsabi ng desisyon ng dalaga at sinabing suportado nito kung saan magiging masaya ang kanyang alaga.

“Ang sine-save ko kasi, yung friendship kasi ang haba ng panahon na pinagsamahan ninyo eh. Hindi mo dapat sayangin ‘yun dahil wala ka nang kinikita sa bata o wala na akong naibibigay na project sa bata.

“Hindi doon nagtatapos ang relasyon dahil lagi ko ring sinasabi yan kay Liza na hindi mo dapat pinuputol ‘yung tulay. Kasama don sa kanyang mensahe na gusto niyang mag-try sa Hollywood,” pagpapatuloy ni Ogie.

Nabanggit rin ng talent manager na malaki ang kanyang utang na loob sa aktres.

“Yung utang na loob ko sa batang yan ay napakalaki dahil ‘yung mga kinita ko sa kanya, doon din naman ako humugot para mabuhay yung anak ko na si Miracle.

“Yun man lang maisip ko para wala kang itatanim na sama ng loob sa bata, wala kang bitbit, wala kang kargo sa loob mo kasi doon man lang, timing na timing ang pagdating ni Liza sa buhay ko,” pagbabahagi pa ni Ogie.

Inamin rin niya na kaya lately ay magkasama sina James Reid at Liza ay hindi dahil may something rito kundi dahil ito na ang bagong manager ng dalaga.

Unti-unti na ring nagkakaroon ng transition ang team ni Ogie at team ni James Reid ukol sa pagma-manage sa aktres ngunit hindi pa sila nagkikita ng personal para sa formal turnover ng management ng karera ni Liza.

Wala rin daw itong sama ng loob sa dalaga ang showbiz columnist at talent manager.

“Ay, mamatay, wala. Wala. Kasi ganon nga akong tao. Kapag ang isang tao gusto ng growth, at feeling niya magkakaroon siya ng growth sa iba, ibinibigay ko kasi napakaimportante ng mental health.”

 

Related Chika:
Ogie sa haters ni Liza: Wala namang nakikitang maganda ang bashers, kaya nga sila bashers, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

True ba, Liza lalaban sa Miss Universe PH next year matapos matalo si Rabiya?

Ogie pinagbigyan ang hiling ng kaibigan: Ako na po ang manager ni Aiko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending