Ogie pinagbigyan ang hiling ng kaibigan: Ako na po ang manager ni Aiko | Bandera

Ogie pinagbigyan ang hiling ng kaibigan: Ako na po ang manager ni Aiko

Reggee Bonoan |December 21,2021
facebook
share this

Ogie pinagbigyan ang hiling ng kaibigan: Ako na po ang manager ni Aiko

Reggee Bonoan - December 21, 2021 - 04:53 PM

Ogie pinagbigyan ang hiling ng kaibigan: Ako na po ang manager ni Aiko

HINILING ni Aiko Melendez bilang regalo nu’ng kaarawan niya, December 16 na mapa-oo ang matagal na niyang kaibigan at kumpare na si Ogie Diaz na maging manager niya.

Mga binata’t dalaga pa sina Aiko at Ogie ay magkakilala na sila dahil pareho silang close noong nabubuhay pa ang talent manager na si Douglas Quijano na nagma-manage ng karera ng aktres at kasama naman sa cast ng “Palibhasa Lalaki” ang manager din ni Liza Soberano.

Base sa kuwento ni Ogie sa “Showbiz Update” YouTube channel kasama sina Mama Loi at Tita Jegs ay ipinaliwanag nito kung bakit tinanggap niya ang alok ni Aiko na siya ang maging  bagong manager nito.

“Actually, nakiusap si Aiko na kung puwede ko siyang i-manage. Lagi ko namang sinasabi na kung mayroon akong dalawang artista na mahal na mahal na mula nu’ng araw hanggang ngayon na consistent na mahal ko na puwede kong murahin at puwede ko ring mahalin na anytime gusto kong kausapin o ako gustong kausapin, e, nagkakaroon kami ng communication at hindi nahihiyang maglahad sila ng problema sa akin o humingi ng payo, ganu’n din naman ako. Kung may nakakaalam ng buhay ko, si Aiko at si Paolo Contis,” kuwento ng kilalang vlogger, talent manager at aktor.

Nasa sitcom na “Bubble Gang” si Aiko ay magkaibigan na raw silang karnal ni Ogie.

“Inaanak niya mga anak niya at inaanak niya rin mga anak ko, so ganu’n kalalim an gaming friendship,” saad pa ng talent manager.

Ibinahagi rin ni Ogie na noong nag-away pa sina Aiko at asawang si Jomari Yllana ay umalis ng bahay nila ang aktres at tumuloy kay Ogie at doon gustong magpalipas ng gabi.

“Biglang dumulog sa akin si Aiko, wala pa akong anak noon hindi pa kami nagkikita ni Mommy Sowl (asawa niya), e, nandoon siya sa bahay ko umiiyak, nag-away sila ni Jomari.

“E, si Aiko, dala-dala niya ‘yung Mercedez Benz, ipinark lang sa labas tapos pumunta sa bahay at sabi niya sa akin, ‘mader dito muna ako sa ‘yo matutulog kasi ayaw ko ro’n nag-away kami ni Jomari.

“Tapos sabi ko, ‘hay naku ako ang hindi mo patutulugin Aiko ‘no? Okay ka lang dito pero ako ang hindi makakatulog dahil babantayan ko ‘yung kotse mo!” nanlalaki ang mga matang kuwento ni Ogie.

Dagdag pa, “dahil Mercedez Benz ‘yan ‘no! Walang parking dito lahat kayo tulog ako nakaganyan (nakatanaw) ako sa Mercedez Benz mo, Diyoskopo (tawa naman ng tawa si mama Loi).

Hirit ni mama Loi, “siyempre kargo mo ‘yun.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)

“Oo, magkano ‘yung emblem niyan baka pitikin di ba, wala naman sa loob ng gate (bahay). Kaya sabi ko umuwi ka sa inyo baka sa akin ka pa hanapin. Tapos (hinayaang) maglabas ng mga sama ng loob at hinaing si Aiko,” kuwento pa nito.

Isa pang revelation ay ‘nakita’ na ni Ogie ang itinatago-tago ng aktres.

“Gusto mo ‘yung umiihi si Aiko nagkukuwento siya sa akin about ng pag-aaway nila ni Jomari na nakasalampak siya sa trono at umiihi siya, so, kitang-kita ko ‘yung keps niya at wala siyang pakialam, ‘mader naman kita ‘no? diretsong sabi ng bagong manager ni Aiko.

Tawang-tawa naman si mama Loi sa narinig at si tita Jegs ay wala namang pakialam dahil abala siya sa pagbabasa sa cellphone niya.

“Kaya pala hindi ka nakatulog nakita mo?” tanong kaagad ni mama Loi kay Ogie.

“Hindi nakatulog naman ako, ha, ha, haha. Doon lang ako hindi nakatulog sa kotse. Mga ganu’n (magkasundo) kaya kami ni Aiko, nakiusap na birthday gift ko na lang daw sa kanya na ako ang mag-manage.

“Sabi ko, e, di, sige. Ako na po ang manager ni Ms Aiko Melendez. Kung may mga inquiries po kayo sa kanya, ako na lang po ang inyong kontakin,” sambit ni Ogie.

At napag-usapan din nang dalawa ang tungkol sa kandidatura ng aktres bilang konsehal sa 5th District ng Quezon City.

“Sabi ko, ‘oh, tatakbo ka ha, magiging konsehal ka n’yan so mahahati ang atensyon mo. Sabi niya, ‘mader kailangan ko pa ring magtrabaho, hindi naman ako pumasok sa politics para magpayaman. Kailangan ko pa ring kumayod para may pambuhay ako sa pamilya ko,” pahayag pa.

Balik-tanong ni mama Loin a hindi kaya magkasira ang dalawa dahil sa closeness nila.

“Sa lalim ng closeness namin ni Aiko, e, puwede ko namang sabihin sa kanya ng deretsahan, puwede rin naman siyang magsalita sa akin ng diretso dahil ganu’n naman naman kami ni Aiko, walang plastikan, sa totoo lang kami,” paliwanag ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Long Mejia maraming dapat baguhin pag nagpa-manage kay Ogie Diaz: Anong gusto mo mala-Alden Richards?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending