Long Mejia maraming dapat baguhin pag nagpa-manage kay Ogie Diaz: Anong gusto mo mala-Alden Richards? | Bandera

Long Mejia maraming dapat baguhin pag nagpa-manage kay Ogie Diaz: Anong gusto mo mala-Alden Richards?

Reggee Bonoan |July 18,2021
facebook
share this

Long Mejia maraming dapat baguhin pag nagpa-manage kay Ogie Diaz: Anong gusto mo mala-Alden Richards?

Reggee Bonoan - July 18, 2021 - 05:42 PM

IKINAGUAT ng talent manager na si Ogie Diaz na gusto pala siyang kuning manager ng komedyanteng si Long Mejia.

Base sa in-upload ni Ogie sa kanyang YouTube channel nitong Linggo, Hulyo 18, inimbita siya ni Long para sa isang lunch kasama ang team nito sa isang restaurant at pagdating doon ay wala pa ang huli at nagsabing mauna nang umorder at kumain na rin.

Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na si Long, “Naka-order na kayo? Baka may gusto pa kayo?” bati nito sa team ni Ogie.

“Nagpatawag ka rito (Mario’s Restaurant) kasi feeling ko naman ang taas na ng narating mo, bongga na ‘yung kita mo sa YouTube, akala ko kasi hihingi ka ng payo tungkol sa YouTube, e, naloka naman ako sa ‘yo dahil gusto raw niyang magpa-manage sa akin. Ngayon ko lang nalaman!” nanlalaki ang mga matang sabi ni Ogie habang nakatingin kay Long.

Sabi pa, “Binigla mo naman ako, sana man lang naaral kita.” Sagot ni Long sa kanya, “Pero tinext naman kita.”

“Tinext mo ako pero hindi mo naman sinabi na ito ang pakay mo na gusto mong magpa-manage sa akin. 
“Kung nauna mong sinabi sa akin ‘yan, sana na-aral kita, na-evaluate kita. Kaya medyo relax ang utak ko kasi, ah siguro tsikahan kami ni Long, siguro magko-content lang kami kung ano,” paliwanag ng talent manager at vlogger kay Long.

“Naisip ko na rin na kung tatawag ako, pero inunahan ko na ‘yung isip ko na doon ko na lang sasabihin pag magkakaharap na tayo at eto na ngayon nangyari na,” katwiran ng komedyante.

“Pero na-on the spot mo naman ako Long!” sambit ni Ogie.

Habang nagsasalita si Long ay nakatitig lang si Ogie sa kanya dahil inaaral na pala siya, “Malalaman ko naman lahat ng gusto mo, e, gagawin ko naman,” saad ni Long.

Isa-isang binanggit ni Ogie ang mga mina-manage niya tulad nina Raffy Tulfo, Jobert Austria, Vice Ganda at Liza Soberano, “Kaya mo gustong magpa-manage sa akin? Bakit ako ang napili mo?”

Sagot ni Long, “E, nakita ko naman ang mga linyahan, Raffy Tulfo, Liza Soberano, Vice Ganda, Jobert tapos Long Mejia. Kapag Ogie Diaz ang may hawak sa ‘yo, nagmumukhang mamahalin. Kumbaga sa damit, e, nagkakaroon ka ng tinatawag na signature. Ha-hahaha!”

Hirit ni Ogie, “Nag-uusap palang naman tayo, di ba? Nag-e-expect ka ba na ang ending nito positive?”

“Oo naman,” mabilis na sagot ni Long. “Siyempre nagkasama naman tayo.”

Ipinaliwanag ni Ogie na kapag nag-manage siya ay siya ‘yung nagsimula hanggang sa lumaki ang pangalan at sabay sabi kay Long, “Sa nakikita ko naman maganda naman ang career mo.”

Katwiran ni Long ay walang humahawak sa kanya at mas maganda raw kung may manager siya, “Tamang-tama kapag nandiyan ka pa sa tabi ko, mas lalong maganda ang ano ko (career).”

At saka sinabi ng komedyante-TV host-manager na, “Gusto kong itanong sa ‘yo to Long ha, naririnig ko may attitude ka?”

“Baka naman namamali sila ng interpretasyon sa akin. Nu’ng mga nakaraan, mga bata pa tayo,” paliwanag ni Long.

Sabi ni Ogie, “Una professionalism dapat pairalin natin at all times.  Dumating ka dito, Diyos ko naman anong oras (na)? Anong gusto mong iparamdam sa amin? Kami hindi abalang tao? Tapos ikaw busy ka, isiningit mo lang kami?”

“Hindi kapag hawak mo na ako, nakalagay sa kontrata na pagalitan mo ako kapag na-late ako. Kapag sinabi mong call time ko alas-sais, mga 4 pa lang nasa taping o shooting na ako,” paliwanag ni Long.

Pinansin din ni Ogie ang pananamit ni Long na old school daw na dapat sumunod sa uso at naaayon sa panahon.

Parang hindi nagustuhan ni Long ang pahayag ni Ogie, “Pati ba itong pananamit ko kailangang baguhin?  Anong gusto mo susunod ako mala-Alden Richards?”

Ipinaliwanag din ni Ogie na dapat maganda ang katawan ni Long kasi nga sa mahabang panahon ay nakilala siyang payat at dapat new image na since gusto nitong magpa-manage sa makabagong panahon.

Nililista naman lahat ni Long ang mga gusto ni Ogie kaya tinanong siya, “Gusto mo talagang magpa-manage saken?”

“Siyempre talagang naramdaman ko na Ogie Diaz na ako, sige na,” lambing ni Longm

Binanggit din ni Ogie na kailangang magpa-gluta drip ni Long para magmukha siyang fresh at gumanda ang kutis.

“Magsasaksak ako? Maggaganu’n pa ako? Para san ba ‘yun?” tila nairitang sagot ni Long.

“Para pumuti ka ng konti para artistahin ang look mo,” paliwanag ni Ogie.

“Kailangan pa ba ‘yun?” tanong ulit nito.

“Para mag-glow ka at ang skin mo,” sabi ulit ni Ogie.

“Meron ba tayong sponsor n’yan? O ako gagastos?” balik-tanong ng aktor.

Binanggit lahat ni Ogie ang mga gusto niyang mangyari kay Long na sa intindi nito ay, “Pabolosa, so okay na ito?”

Marami pa silang napag-usapan tungkol sa acting workshop at itsura pa ni Long hanggang sa nabanggit ni Ogie na, “May impression na bastos ka raw?”

“Hindi kasi laking kalsada ako natural lang ako,” katwiran ulit nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang haba pa ng usapan ng dalawa hanggang sa nag-walk out na nga si Long. Mas magandang panoorin n’yo na lang ito sa YouTube channel ni Ogie na isang oras pa lang na-upload ay almost 50k na ang views.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending