Ogie Diaz may sama ba ng loob sa mga dating alagang sina Vice Ganda at Liza Soberano? Bandera

Ogie Diaz may sama ba ng loob sa mga dating alagang sina Vice Ganda at Liza Soberano?

Ervin Santiago |October 16,2022
share this

Ogie Diaz may sama ba ng loob sa mga dating alagang sina Vice Ganda at Liza Soberano?

Ervin Santiago - October 16, 2022 - 02:01 PM
Ogie Diaz may sama ba ng loob sa mga dating alagang sina Vice Ganda at Liza Soberano?

Liza Soberano, Vice Ganda at Ogie Diaz

ANO nga ba ang tunay na naramdaman ng talent manager at YouTuber ba si Ogie Diaz nang umalis na sa kanyang pangangalaga sina Vice Ganda at Liza Soberano?

Sumama ba ang loob niya sa dati niyang mga talent? Nagalit ba siya sa dalawang Kapamilya stars? Nanghinayang ba siya sa mga kikitain pa sana niya sa mga magiging projects ng mga ito?

Mariing sinabi ni Papa O (tawag namin sa kanya) na wala siyang galit o anumang masamang nararamdaman sa mga dati niyang alaga dahil maayos naman ang kanilang paghihiwalay.

Ayon sa vlogger, si Vice talaga ang nag-push sa kanya na i-manage ang kanyang career noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz mula sa pagiging stand-up comedian sa mga comedy bars.

“Si Vice Ganda una kong naging kaibigan noong ako ay madalas pumupunta ng Punchline at Laffline, siya yung nakaset. Kapag nakikita niya ako, sinasabi niya, ‘ay ayan na pala ang aking future manager…’ pero wala sa isip ko,” pahayag ni Ogie sa YouTube vlog ni Christine Babao.

“Lalapit siya sa akin, ‘mama kailan mo ba ako ima-manage? Kasi nandiyan na sina Pokwang, si Pooh, si Chokoleit, si Gladys, si K Brosas, i-handle mo na ako.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)


“Sige subukan natin kasi mahirap naman di natin masasabi kung ano mangyayari bukas di ba, so siyempre ako nagsisimula palang ako bilang manager,” paliwanag pa niya.

Makalipas ang limang taon, hindi na nag-renew si Vice ng kontrata sa talent management ni Papa O at hindi raw ito naging malaking issue sa kanya dahil ang palagi niyang iniisip ay ang kapakanan at future ng kanyang talents.

“Ganu’n talaga, di ba? Wala namang permanente sa mundo ang importante lang ay na maintain yung friendship. Nu’ng una hindi kami nagkikibuan (ni Vice) but everytime nakikita niya ako, siya una lalapit,” aniya pa.

Naulit ang eksenang ito nang magpaalam na sa kanya si Liza na isang dekada rin niyang inalagaan. Nasa poder na siya ngayon ng talent management at record label ni James Reid, ang Careless Music.


Sabi ni Ogie, gusto pa talaga niyang maging manager ni Liza at papipirmahin niya uli ito ng kontrata pero umayaw na nga ito para i-push ang kanyang Hollywood dream. Tinanggap ni Ogie ang desisyon ng aktres.

“Bakit tatapusin yung relasyon? Unang-una hindi naman naging masamang bata si Liza. Pangalawa, ang laki ng naitulong sa akin ni Liza. Pangatlo pinagkakautangan ko ng loob si Liza dahil nabuhay ang anak ko dahil sa kinikita ko sa kanya. Aarte ka pa ba?!” aniya pa.

“Sa panahon ngayon kung ikaw ay nag tanim ng galit o ng tampo sa tao kasalanan mo yun sa sarili mo. kasi pinili mo sumama ang loob,” mariing sabi pa ni Papa O.

Liza never lumandi, hindi basta-basta pumapatol sa lalaki; Ogie walang sama ng loob kay JamesOgie sa haters ni Liza: Wala namang nakikitang maganda ang bashers, kaya nga sila bashers, di ba?

Ogie sa haters ni Liza: Wala namang nakikitang maganda ang bashers, kaya nga sila bashers, di ba?

Liza sasabak na sa pagiging recording artist sa 2023; tutuparin din ang pangarap maging ‘global actress’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending