Ethel Booba naglabas ng galit: 'Nakakaloka kayo! Itigil n'yo na yang game show n'yo!' | Bandera

Ethel Booba naglabas ng galit: ‘Nakakaloka kayo! Itigil n’yo na yang game show n’yo!’

Ervin Santiago |May 15,2023
facebook
share this

Ethel Booba naglabas ng galit: ‘Nakakaloka kayo! Itigil n’yo na yang game show n’yo!’

Ervin Santiago - May 15, 2023 - 07:07 AM

Ethel Booba naglabas ng galit: 'Nakakaloka kayo! Itigil n'yo na yang game show n'yo!'

Ethel Booba

HINDI na nakapagpigil ang TV host-comedienne at singer na si Ethel Booba na maglabas ng kanyang sama ng loob laban sa isang game show.

Ibinuking ng komedyana ang ginawa sa kanya ng isang produksyon kung saan paulit-ulit siyang ibinu-book para sa guesting niya sa isang game show pero  palagi namang hindi natutuloy.

Inilabas ni Ethel ang kanyang kabwisitan sa pamamagitan ng kanyang Facebook account nitong nagdaang Huwebes, May 11, at tinalakan nga ang mga nag-imbita sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ethyl Cayoca Gabison (@ethelbooba)


“Pabook kayo nang pabook ng sked ng taping! Tapos ireresked nyo! Alam n’yong hindi kami available sa date na gusto n’yong taping!!!” ang talak ng komedyana at singer.

“Nakailang plane tiket na kami kabibili ng tiket! Hindi nyo naman nirerefund. NAKAKALOKA kayo! Itigil nyo na yang game show n’yo!” dagdag na kuda pa ni Ethel Booba.

Baka Bet Mo: Donita Nose ilang beses tinanggal ni Willie sa Wowowin: ‘Pero wala akong sama ng loob, hindi ako nagtampo kasi…’

Hindi naman binanggit ng komedyana ang game show na tinutukoy niya kaya naman kanya-kanyang hula ang reaksyon ang kanyang mga FB followers.

“Hala hingian ng downpayment tapos pag re schedule wag ng puntahan pasaway naman po.”

“Kasi marami ka daq pong pera madam kaya ok lng yan.”

“Game show reveal po LODS!'”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ethyl Cayoca Gabison (@ethelbooba)


“Pangalanan mo na ang gameshow mam E. hahaha!”

“Grabe nga me K mag emote…sayang nga po ang gastos s di tamang pag gamit instead dapat save-save-up while able!”

“Sayang naman ang binili nang plane ticket ipa gacash na lng po ninyo sa amin.”

“Wg n m stress madam Ethel kung cnoman yn balana s kanya c lord basta happy kau family with your very cute and smart mikaela.”

Ethel Booba ingat na ingat na sa pagpo-post sa socmed: Kasi pag na-bash ako, siguradong damay ang anak ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janno nakipagsagutan sa bashers matapos maglabas ng sama ng loob sa ‘Showtime’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending