Napakalaki ng utang na loob ko kay Kris Aquino at miss na miss ko na siya - K Brosas | Bandera

Napakalaki ng utang na loob ko kay Kris Aquino at miss na miss ko na siya – K Brosas

Ervin Santiago |April 20,2022
facebook
share this

Napakalaki ng utang na loob ko kay Kris Aquino at miss na miss ko na siya – K Brosas

Ervin Santiago - April 20, 2022 - 07:47 AM

Kris Aquino at K Brosas

HANGGANG ngayon ay itinuturing pa ring kaibigan at “mentor” ng TV host-comedienne at singer na si K Brosas si Kris Aquino.

Naging mabait naman daw kasi sa kanya ang tinaguriang Queen of All Media at itinuring din siya nitong parang tunay na kapatid lalo na noong aktibo pa ito sa kanyang showbiz career.

Napakarami ring natutunan ng komedyana sa award-winning aktres at TV personality lalo na pagdating sa pagho-host ng travel show. At nagagamit nga niya ito ngayong may sarili na siyang programa sa TV5 bilang host.

Ang tinutukoy namin ay ang reality- talk and travel show na “Lakwatsika” kung saan kasama rin niya ang isa pang magaling na stand-up comedienne at singer na si Ethel Booba.

Sa nakaraang presscon ng “Lakwatsika”, natanong si K kung sino sa mga sikat na celebrities ang type niyang makasama sa isang biyahe ng kanilang show, at mabilis niyang binanggit si Kris Aquino.

Palaging nakakasama noon ni Kris si K Brosas bilang special guest co-host sa Kapamilya morning show na “Kris TV”.

“Si Kris Aquino kasi malaking-malaki ang utang na loob ko sa kanya kasi sa Kris TV ako namulat sa travel. Ako ang pinagagawa niya ng mga adventures para happy, di ba?” pahayag ng komedyana.

Ayon pa kay K, miss na miss na raw niya si Kris at umaasa siya na balang araw ay muli silang magkakasama ng mommy nina Joshua at Bimby sa isang show balang

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maria Carmela (@kbrosas)


“Si Kris, nami-miss ko na siya unang-una at siya ang nagpamulat sa akin ng mga travel-travel sa TV. Ako yung tagagawa niya ng mga hindi niya ginagawa. Nakaka-miss talaga siya,” sey pa ni K.

Kuwento pa niya, kahit matagal na silang hindi nagkakasama ni Kris sa telebisyon ay tuluy-tuloy pa rin ang komunikasyon nila.

“Pinadalhan ko siya ng flowers and everything, nagpasalamat pa siya. Si Kris, napakadaling i-please as a friend. Maalala mo lang siya, malaking bagay na sa kanya yun.

“Kaya hindi ko siya nakakalimutang i-text, flowers, just to remind her na nandito lang ako for her,” aniya pa.

Ang tanging wish niya ngayon para sa kaibigan ay ang pagbuti ng health condition nito at tuluyan nang gumaling para makabalik na ito sa pagiging TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gusto ko lang sana siyang bumalik sa dati niyang sigla, sa dati niyang kulit, saka yung mga side comments niya na natatawa ako. Ang dami naming pinag-usapan kaya nakaka-miss siya,” sabi pa ni K Brosas.

K Brosas napaiyak sa napurnadang dream house, grabe ang panic attack: Masakit, kasi ang tagal kong nagmakaawa…

K Brosas umapela sa madlang pipol na nagpa-book sa Siargao: ‘Wag muna tayo magpa-refund

Anak ni K Brosas may banta sa mga nanloko sa nanay niya: Sa korte galingan n’yo ang punchlines n’yo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending