Vice shookt nang umabot sa P300k ang biniling gamit para sa anak ni Ethel: Hindi naman ganu'n ang halaga ng friendship natin, tag-P2,500 lang! | Bandera

Vice shookt nang umabot sa P300k ang biniling gamit para sa anak ni Ethel: Hindi naman ganu’n ang halaga ng friendship natin, tag-P2,500 lang!

Alex Brosas |June 28,2022
facebook
share this

Vice shookt nang umabot sa P300k ang biniling gamit para sa anak ni Ethel: Hindi naman ganu’n ang halaga ng friendship natin, tag-P2,500 lang!

Alex Brosas - June 28, 2022 - 08:31 AM

Ethel Booba, Vice Ganda at Michaela

SUPER generous ninang naman ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda.

Sa YouTube channel ng sexy comedienne na si Ethel Booba ay ipinakita ang bonggang-bonggang ganap sa pagkikita ni Vice at ng inaanak nitong si Michaela (daughter of Ethel).

Rumampa sa isang sosyal na mall sina Vice Ganda, Ethel, Michaela at ang dyowa ng komedyana na si Jessie Salazar.

Una nilang pinuntahan ang isang sosyal na toy store. Ikot nang ikot ang grupo at talagang pinabayaan ni Vice Ganda na mamili ng mga laruan ang inaanak niyang si Michaela.

Ang daming napiling toys ng anak ni Ethel. Talagang sinulit nila ang kanilang trip sa toy store.

Eto na. Nang nasa cashier na sila, nalula ang lahat nang makita ang babayarang bill ni Vice Ganda.  Umabot kasi ito sa P124,957 lang naman.

Gulat na gulat si Vice Ganda sa laki ng dapat niyang bayaran.

“Ha? Baka ipainom ko sa ‘yo ‘tong alcohol. P124,000 eh, wala pa nga akong anak. Bakit ako gagastos ng ganyan kalaki?

“Sana ako na lang ang nagpatira para magkaanak ako,” tili niya sa cashier.

“Binyag nga P124,000 ang ginastos ko. Paano kung ako mismo ang tatay niyan? Bawasan mo. ‘yung P24,000 muna babayaran ko. ‘Yung P100,000 magtatrabaho muna ako next week. Sira ulo pala itong pamilyang ito, eh,” say ni Vice sabay hingi ng card ni Ethel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


“Kahit senior citizen lang maka-discount lang ako,” hirit niya kay Ethel.

May round two pa pala ang pa-shopping spree ng “It’s Showtime” host dahil pumasok pa sila sa isa pang store for kids.

Siyempre pa, pili lang nang pili ang anak ni Ethel ng mga damit na puro mamahalin.

This time, umabot naman sa P192,000 ang nagastos ni Vice Ganda para sa damit ng inaanak.

“Naku, pinaglololoko n’yo ko talaga dito. Anong P192,000 ang babayaran ko?” say ni Vice Ganda.
“Eh, kasi pili ka nang pili. Lahat ng color kinuha mo,” say ni Ethel.

“Hindi naman ganon ang halaga ng friendship natin. Tag-P2,500 lang. Wala naman tayong malalim na pinagsamahan,” say ni Vice Ganda.

“Eh, ikaw ang pili nang pili. Nananahimik lang ako,” say ni Ethel.

Of course, wala namang choice si Vice Ganda kundi bayaran ang P192,000.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Imagine, sa isang shopping spree ay gumastos ang TV host at comedian ng more than P300,000.

Ethel inalok ni Bea na maging surrogate mother ng magiging anak: Magkano ba? Ibubudol natin yan!

Ethel nasaktan sa inasal ni Madam Inutz kaya napa-gawa ng TikTok video

Hugot ni Bea sa mga lalaki: Hindi ako mahilig makipaglandian sa trabaho…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending