Janno nakipagsagutan sa bashers matapos maglabas ng sama ng loob sa 'Showtime' | Bandera

Janno nakipagsagutan sa bashers matapos maglabas ng sama ng loob sa ‘Showtime’

Reggee Bonoan |November 14,2021
facebook
share this

Janno nakipagsagutan sa bashers matapos maglabas ng sama ng loob sa ‘Showtime’

Reggee Bonoan - November 14, 2021 - 05:11 PM

Janno Gibbs

SANA nakakatulong sa promo ng pelikula niyang “Mang Jose” ang pakikipagsagutan ni Janno Gibbs sa mga netizens na nagkomento sa ipinost niya sa social media laban sa “It’s Showtime.”

Deleted na ang nasabing post kung saan sinabi ni Janno na kinansela ang guesting niya sa noontime show ng ABS-CBN sa pamamagitan ng kanyang Instagram account tatlong araw na ang nakararaan.

Ang nakasaad sa IG post ng komedyante, “Was scheduled to guest on Showtime today to promote Mang Jose. But the guesting was cancelled last night. Hanggang ngayon pa ba naman ABS? 

“Nung Sanggano part 1 alam nyo bang si Andrew at Dennis lang ang pinayagang mag guest. Ako bawal. Nung pinaglalaban niyo ang prangkisa nyo ay nakisimpatya pa ako. 

“Kala ko’y lumambot na ang puso nyo matapos ang inyong mga pinagdaanan. Hindi ba dapat ay nagtutulungan tayo sa hirap ng lagay ng industriya ngayon? Masyado namang matindi ang galit nyo sa akin. 

“Oo kailangan ko kayo at hindi nyo ako kailangan. Ngunit anu ba naman ang ilang minuto para makapag promote lang ng pelikulang malapit sa puso ko.”

Komento ng netizen na si @mOm7166, “Ang tapang maglabas ng sentiment pero nangdedelete AS PER USUAL! To you Mr. @jannolategibbs – REFLECT on your past actions rather than DEFLECT.  You’re stressing it out sa ‘ginawa sa’yo dati’ like you want your unprofessionalism before (& still holds true now) just swept under the rug.

“You can’t simply take something out on someone without then expect not to be pushed back. You know, you’re not even bankable (haven’t been, in fact…) Kaya get your act together bago lahat ng kuda mop o. Di ka na talaga nagtanda! #twocents.”

Sinagot naman ito ng aktor ng, “@mOm7166 1st of all I see you have zero posts.  New account.  Or just on Instagram to snoop?  Second, I deleted it coz my management asked me politely. 

“If it were up to me id keep it.  3rd, i have not been unprofessional in a long time. Yes in the past. 4th, my issue w ABS was not about professionalism.  5th: Not bankable? I have 3 recent hit movies and 4 new movies coming out.

“Ako matapang maglabas ng sentiment.  Ikaw duwag magpost ng tungkol sa sarili mo,” aniya pa.

Sabi ng netizen na si @fayekinsky, “Tama D nman kayang panindigan kaloka si kuya bad attitude kasi.”

View this post on Instagram

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)


Hindi rin ito pinalampas ni Janno na nagsabing, “@fayekinsky Kilala moko personal?  At gusto mo Followback kita (emoji laughing face).”

At marahil nabasa ng netizen na si @calai40 ang panig ng taga-“Showtime” na sinulat namin dito sa BANDERA kahapon.

Sabi ni @calai40 kay Janno, “haha natawa ako sa nabasa ko.  Kasi masama loob mo kasi akala mo Kinansel Ka ng it’s showtime.  Kaya naka pag post ka. Delete mo naman. Kasi d pa nga na sked na cancel na? (laughing face emoji).  Think before you click next time ha…pls. Thanks.”

“Gusto ko sanang magexplain sayo.  Pero naisip ko…Sino ka ba? Now That’s FUNNY!!!.”

Sa kabilang banda ay marami pa rin ang nagpakita ng suporta kay Janno para sa upcoming movie niyang “Mang Jose” lalo na nang i-post niya ngayong araw ang teaser ng pelikula kasama si Manilyn Reynes na ang tanong niya ay, “Teka nakikilala nga kita, naging tayo ba?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang caption ng aktor sa kanyang video post, “For JannoLyn Fans Only: Dahil ramdam ko ang suporta nyo,lalo na kay @manilynreynes27. Nagnakaw ako ng eksena para lang sa inyo (sori Viva). Mang Jose streaming Nov 17 (advanced screening) on Vivamax Plus.”

Janno dismayado sa nakanselang guesting sa ‘It’s Showtime’: Masyado namang matindi galit nyo sa akin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending