Ethel Booba ingat na ingat na sa pagpo-post sa socmed: Kasi pag na-bash ako, siguradong damay ang anak ko
MULING ipinagdiinan ng singer-comedienne na si Ethel Booba na hindi bayad ang mga kontrobersyal at pinag-uusapang post niya noon sa social media.
Nasangkot noon ang komedyana sa iskandalo nang dahil sa Twitter account na “@IamEthylGabison” na sikat na sikat noon sa mga pasabog na tweets, lalo na kapag tungkol na sa politika ang subject niya.
Noong 2020, idinenay ni Ethel na kanya ang account, ginagamit lang daw ng admin nito ang kanyang pangalan para magpakalat ng “fake news” sa social media.
Nang dahil nga rito, nag-open si Ethel ng kanyang official Twitter account na may handle na “@EthelBooba6” noong April, 2020. Dito, bihirang-bihira lang siyang mag-post ng tungkol sa politika.
Sa panayam kay Ethel sa ginanap na presscon ng bago niyang reality-travel talk show sa TV5 na “Lakwatsika” with K Brosas na ginanap sa studio ng TV5 sa Reliance St., Mandaluyong City, noong Martes, April 5, natanong kung ano ang pinaka-offensive na pamba-bash na natanggap niya sa socmed.
“Binayaran daw ako na hindi naman. Wala, wala akong natatanggap. Kung binabayaran naman siguro ako, aaminin ko para mainggit lalo sila. ‘Milyon ito ‘Day,’ mga ganu’n. Maaasar pa lalo yung mga nagko-comment,” pahayag ni Ethel.
View this post on Instagram
Ngayon daw, talagang ingat na ingat na siya sa pagpo-post sa social media dahil baka madamay pa ang pamilya niya lalo na ang kanyang anak.
“Oo. Ingat na ako sa bawat salita na sasabihin ko kasi nga siya ang iniisip ko. Kasi pag na-bash ako, sigurado madadamay ang anak ko, parang ganu’n. May mga ganu’n na rin kasing senaryo before,” pahayag pa ng komedyana.
Samantala, napag-usapan din sa presscon ng “Lakwatsika” ang tungkol sa sinusuportahang presidential candidate nina Ethel at K Brosas sa darating na May 9 elections.
Ayon sa dalawang komedyana, walang isyu sa kanilang samahan kung magkaiba man sila ng mga sinusuportahang kandidato.
Very open si K Brosas na si Vice-President Leni Robredo ang kandidato niya sa pagkapangulo habang maugong ang chika na maka-Bongbong Marcos naman si Ethel.
“Actually, vocal nga rin si Kuya Randy, di ba? Magkakasama kami sa Sing Galing, minsan nagbibiruan sila,” ani Ethel na isa sa mga hurado ng “Sing-Galing.”
Si Bongbong Marcos din ang ineendorsong kandidato ni Randy na isa sa mga host ng “Sing Galing” na napapanood din sa TV5 kasama sina K Brosas at Donita Nose.
Sabi pa ni Ethel tungkol sa magkaiba nilang political stand ni K, “Walang ganu’n (issue). Although alam niya siguro kung ano yung side ko. Wala, respect lang talaga sa isa’t isa.”
Anyway, magsisimula na ang “Lakwatsika” sa TV5 sa darating na April 18, 11 a.m., mula Lunes hanggang Biyernes.
Itinuturing itong malaking blessing ni Ethel kaya talagang pagbubutihin daw niya ang kanyang trabaho.
In fairness, hindi na raw pasaway ngayon ang stand-up comedian tulad ng nakaugalian niya noon at nangako pa siya na pahahalagahan na niya ang bawat project na ibinibigay sa kanya.
“Sabi ko, dapat maiba naman siya. Kasi dati magulo ang buhay ko —love life, jealousy ng family. Ayoko nang mangyari ngayon. Sana maayos na ito.
“Ang tanda ko na rin naman. Alam ko naman siguro yung kakahinatnan ng magiging situation,” sabi pa ni Ethel sa nasabing panayam.
Inamin din niya na mula nang magka-baby siya ay talagang napakalaki ng ipinagbago niya, nawala na raw ang pagiging lukaret niya.
Napansin din daw ito ng mga katrabaho niya, “Hindi ko rin ma-explain. Ganu’n pala talaga kapag ina ka na. Ano yun, e, lahat ng ginagawa ko para sa kanya. Kapag nagkakamali, ayokong mapahiya siya.
“Siyempre, ang dami kong kalokahan dati, lalo na pag love life. Nakakatuwa naman na kusa namang nagbago ako. Dala na ring ina na ako. Thank you at na-appreciate nila yun,” sabi pa ni Ethel Booba.
https://bandera.inquirer.net/310123/ethel-booba-nabuking-ang-planong-marriage-proposal-ng-dyowa-hindi-ako-sasagot-ng-yes-natatakot-ako
https://bandera.inquirer.net/279594/ethel-inalok-ni-bea-na-maging-surrogate-mother-ng-magiging-anak-magkano-ba-ibubudol-natin-yan
https://bandera.inquirer.net/309503/rufa-mae-suportado-si-bongbong-sey-ng-netizens-siya-si-booba-kaya-huwag-na-kayong-magtaka
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.