Leren Mae Bautista nakipagbardagulan sa bashers

Leren Mae Bautista nakipagbardagulan sa bashers: ‘Wag mam-bash kung ayaw mapatulan!’

Pauline del Rosario |October 23,2023
facebook
share this

Leren Mae Bautista nakipagbardagulan sa bashers: ‘Wag mam-bash kung ayaw mapatulan!’

Pauline del Rosario - October 23, 2023 - 11:26 AM

Leren Mae Bautista nakipagbardagulan sa bashers: ‘Wag mam-bash kung ayaw mapatulan!’

PHOTO: Facebook/Leren Mae M. Bautista

HINDI na napigilang patulan ng beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista ang ilang hate comments sa kanyang Facebook post recently.

Marami pa rin kasi ang nagnenega sa paglantad ng tunay na relasyon nila ng basketball player na si Ricci Rivero.

Magugunitang si Leren ang tinutukoy na dahilan ng maraming netizens kaya nagkahiwalay ang young actress na si Andrea Brillantes at ang basketbolista.

Baka Bet Mo: Ricci basag na basag matapos umaming dyowa na si Leren, may patama pa raw kay Andrea: ‘Drama-drama sa umpisa aamin din pala!’

Makikita sa comment na may nagkomento ng, “Eto ba ‘yung pinagpalit sa CEO? Mukhang ribbon.”

Ang sagot naman diyan ng beauty queen, “kesa mukang manok.”

May isang netizen naman ang nanghihingi ng paglilinaw kaugnay sa dating official statement na inilabas ni Leren na sinasabing hindi totoo ang mga akusasyong may “romantic relationship” sila ni Ricci at isa itong fake news.

“Ito lang po talaga need ng clarification. And magmo-move on na ang lahat. Ganon lang,” sey ng netizen habang ipinapakita ang screenshot ng nasabing statement ni Leren.

Sagot ni Los Baños Councilor, ipinaliwanag na nila sa publiko ang totoo, pero kung ipipilit pa rin daw nila ang version ng kanilang istorya ay mas mainam na raw na huwag na silang tanungin.

“Again, we already explained ourselves and told the truth. Now, if you still wanna push your version of the story, then don’t ask us anymore,” sey ni Leren.

Ani pa niya, “You can answer your own questions and get the answer you want. To end this, ask her.”

Tila tumindi naman ang sagutan sa comment section nang mag-follow-up ang isa pang Facebook user sa naging tanong about sa official statement, “Na-explaine po na ba na you’re not dating him mema? Ang sabi mo don is wala dba?”

Tugon naman ni Leren sa kanya, “First of all *EXPLAIN not explain…isa pang mema.”

“#MemaAlert Pabasa po ulit ng comment ko hanggang maintindihan mo [laughing face emoji] Wag na magcomment kapag wala sense reply,” lahad pa niya.

Dagdag pa ng beauty queen, “bash kayo ng bash, kapag sinagot naman kayo, ang sasabihin niyo ‘for the patol’ [laughing emoji] Wag mambash, kung ayaw mapatulan.”

May basher pang sinabihan si Leren ng, “Forever mang-aagaw! Slaaaaaay!”

Tinawanan naman ‘yan ni Leren at nilinaw niyang hindi niya kayang maging mang-aagaw sa buong buhay niya.

“hahahaha! Girl, never in my life that I’ll do such thing,” sagot ni Leren.

Aniya pa, “This is so simple. We already explained ourselves and told the truth. Now, if you still wanna push your version of the story, then don’t ask us anymore.”

“You can answer your own questions and get the answer you want. Nakakapagod sabihin ang totoo dahil pilit parin ng tulad mong baliin ang katotohanan,” paliwanag niya.

Pang-aasar pa ng beauty queen, “Ikaw, forever for the clout ka girl. Slaaaaaay Mema!”

Matatandaang nasangkot ang pangalan ni Leren sa hiwalayan nina Ricci at Andrea matapos siyang mag-post na magkasama sila sa kaarawan ng basketball player habang nagsasagawa rin ng outreach program sa Laguna.

Sumunod diyan ay kumalat sa social media ang ilang mga litrato na spotted na magkasama ang basketball player at beauty queen.

Ilang beses na dinenay at itinanggi ng dalawa kung ano ang real score nila, pero kamakailan lang ay biglang inamin ni Ricci na girlfriend niya si Leren.

Hindi man idinetalye sa post ng basketball player, pero tila nilinaw niya na hindi naging third party si Leren noong magdyowa pa sila ni Andrea.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ricci Rivero umaming dyowa si Leren Mae Bautista: Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya…

Leren Mae Bautista umalma sa tsismis sa kanila ni Ricci Rivero, fake news daw: ‘These claims have no basis in reality…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending