Leren Mae Bautista umalma sa tsismis sa kanila ni Ricci Rivero, fake news daw: ‘These claims have no basis in reality…’
NAGSALITA na ang beauty queen at Los Baños Councilor na si Leren Mae Bautista patungkol sa kumakalat na tsismis na siya ang rumored girlfriend ng basketball player na si Ricci Rivero.
Sa pamamagitan ng Facebook, naglabas ng opisyal na pahayag ang konsehala at dito niya nilinaw na wala siyang “romantic relationship” kay Ricci.
Ipinaliwanag ng beauty queen na hindi totoo ang mga akusasyon sa kanila at isa itong fake news.
Ayon pa kay Leren, ipinatanggal na niya ang video na ipinost ni Ricci para hindi magpatuloy ang espekulasyon ng mga netizen.
“The Office Of Councilor Leren Mae Bautista wants to make it clear that these claims are entirely false and have no basis in reality,” caption niya sa Facebook post.
Dagdag pa niya, “We call on everyone to do the importance of fact-checking information shared across various internet platforms.”
Baka Bet Mo: Netizen nanghinayang dahil hindi naging magdyowa sina Vice Ganda at Jhong Hilario
Matatandaang nasangkot ang pangalan ni Leren matapos nitong mag-post na magkasama ang dalawa sa birthday ni Ricci habang nagsasagawa rin ng outreach program sa Laguna.
Ngunit bago pa ‘yan, si Leren na ang itinuturong dahilan umano ng netizens kaya naghiwalay sina Ricci at aktres na si Andrea Brillantes.
Ito’y matapos kumalat sa social media ang ilang mga litrato na spotted na magkasama ang basketball player at beauty queen.
Kung maaalala, si Ricci mismo ang nagkumpirma na hiwalay na sila ng aktres.
Pakiusap pa niya, sana raw ay tigilan na ng iba ang paggawa ng kwento at pagdamay sa ibang tao sa isyu.
Humingi rin ng tawad ang binata sa mga fans at supporters nila ni Andrea na labis na naaapektuhan sa kanilang paghihiwalay.
Related Chika:
Andrea Brillantes, Ricci Rivero ‘dating’ na ayon sa source ni Mama Loi
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.