Andrea Brillantes, Ricci Rivero 'dating' na ayon sa source ni Mama Loi | Bandera

Andrea Brillantes, Ricci Rivero ‘dating’ na ayon sa source ni Mama Loi

Therese Arceo |March 17,2022
facebook
share this

Andrea Brillantes, Ricci Rivero ‘dating’ na ayon sa source ni Mama Loi

Therese Arceo - March 17, 2022 - 12:41 PM

Andrea Brillantes, Ricci Rivero 'dating' na ayon sa source ni Mama Loi

USAP-USAPAN ngayon sina Andrea Brillantes at  Ricci Rivero matapos kumalat ang kanilang mga larawan sa social media.

Ito ay nagsimula nang magpa-picture ang isang waiter sa dalawa nang magkahiwalay. Ayon sa mga netizens ay kuha raw sa isang restaurant sa BGC, Taguig.

Bukod pa rito, may mga netizens rin ang nakakita kina Andrea at Ricci na magkasama sa isang restobar sa BGC noong March 11.

Kaya naman napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs ang dalawa sa kanilang “Showbiz Update” vlog dahil curious rin sila kung ano na nga ba ang namamagitan sa dalawa.

“Mayroon pang pictures na suot-suot ni Andrea ‘yung jersey [ni Ricci],” saad ni Ogie.

Ang nasabing picture ay kuha mula sa video ni Darren Espanto kung saan sinorpresa niya ang kaibigan.

“Yes. Usually di ba kapag nagdyowa ka ng basketball player gaya natin. Nagdyowa ako ng basketball player. Nagsusuot rin ako ng jersey ni dyowa,” saad ni Mama Loi sabay sabing “joke lang”.

Sey naman ni Ogie, wala namang masama kung totoo nga ang chika na mag-dyowa sila dahil parehas naman silang single.

“According to our very reliable source, nag-confirm na they are really dating daw,” chika ni Mama Loi.

Hindi naman sure kung magdyowa na dahil iba-iba naman daw ang meaning ng “dating” sa mga kabataan dito sa Pilipinas hindi tulad sa ibang bansa na kapag sinabing “dating” ay magdyowa na talaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Muli naman nilang binalikan ang “jersey” issue ng nina Andrea at Ricci.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ricci Paolo Rivero (@ricciiirivero)

 

“Tingin mo ‘yung picture na naka-jersey, may something na, nagliligawan pa lang o magdyowa na?” tanong ni Mama Loi.

Sagot ni Ogie, “Magdyowa na. Feeling ko magdyowa na. Sa akin lang, a. Pwede rin naman akong mali. Kung idedenay nila ‘yan e di mas alam nila yan. Sila ang may katawan, pero tingin ko lang naman ‘yan.

“Siguro para isuot ng babae (Andrea) ‘yung t-shirt ng lalaki, gusto niyang palagi niyang naaalala ang lalaki. Parang feeling niya kapiling niya ‘yung lalaki.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, “Kung ano man yan, hangga’t wala silang sinasagasaang tao, pareho silang single, edi happy naman sila, so be it! Let them be!”

Basta raw ay alam nila Andrea at Ricci ang kanilang limitasyon sa kanilang relasyon ay wala namang problema.

“Nasa right age naman na sila. Basta wag silang lalagpas sa guhit. Dahil alam mo na, kapag lumagpas na sa guhit, ang ending niyan, dalawang guhit,” payo ng talent manager.

Related Chika:
Andrea Brillantes, Ricci Rivero spotted sa BGC, tanong ng mga ‘Marites’: Magdyowa na ba?
Totoo ba ang chika, Andrea sinugod daw si Francine sa dressing room dahil kay Seth?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending