Totoo ba ang chika, Andrea sinugod daw si Francine sa dressing room dahil kay Seth? Bandera

Totoo ba ang chika, Andrea sinugod daw si Francine sa dressing room dahil kay Seth?

Reggee Bonoan |January 17,2022
share this

Totoo ba ang chika, Andrea sinugod daw si Francine sa dressing room dahil kay Seth?

Reggee Bonoan January 17, 2022 - 01:25 PM

Francine Diaz, Andrea Brillantes at Seth Fedelin

PINAGBILINAN pala sina Andrea Brillantes at Francine Diaz na huwag nang magsalita tungkol sa isyung kinasasangkutan base sa kuwento ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel kasama sina Mama Loi at Tita Jegs na in-upload ngayong araw.

Kaya pala hindi rin kami sinasagot ng manager nina Andrea at Seth Fedelin na si Tita Becky Aguila na ilang beses kaming nagtanong pero “seen zone” lang lagi.

Anyway, dagdag kuwento pa ni Ogie na kaya nagmukhang nag-unfollow sa isa’t isa ang dalawang aktres ay dahil naunang i-block ni Andrea si Francine kaya pag tsinek ay naka-unfollow na nga ang huli.
Nabanggit din ng talent manager cum vlogger na “Kadenang Ginto” days pa lang ay may gap na ang dalawang batang aktres.

Tanong ni mama Loi, “’Nay pinagbabati rin ‘yung dalawa?”

“I’m sure kasi noon pa pala ‘yan, Kadenang Ginto may mga ano na…nagpapaka-professional lamang daw ‘yung dalawa pagdating sa trabaho okay sila pero may kanya-kanya silang set of friends. 

“Ang lumabalas tuloy na mabait itong si Francine (at) maldi-maldita raw itong si Blythe o Andrea.  

‘Yan ‘yung mga nakakarating sa atin ano?” aniya.

Dagdag pa ng vlogger, “Ito nga raw Christmas special ng ABS-CBN, nakarating lang po ito sa atin, ano?  Puwedeng hindi kayo maniwala, ito’y nakarating lamang, so, kayo na po ang bahalang mag-confirm.

“Dito po kasi sa industriya natin kahit totoo na ‘yung nakalap naming impormasyon ay kaya pa ring i-deny ng mga taong sangkot.

“Nu’ng December 18 yata Christmas special ng ABS-CBN, e, nagkaroon pa ng hindi pagkakaunawaan itong si Blythe at itong si Francine dahil nakita na nagpa-picture itong si Seth…di ba may SethDrea na ginu-groom ng ABS para lumaking loveteam.

“Wala pa ‘yung FranSeth kasi si Kyle at Francine ang ini-establish. E, ngayon ang nakarating sa atin hiniritan ng glam team nitong si Francine, si Seth nag-join sa kanila sa picture taking tapos parang ikinagalit ito ni Blythe o ni Andrea,” dagdag pa niya.

At ang nakagugulat pang tanong ni Ogie, “Totoo ba ito, nagkaroon ng suguran sa dressing room?”

Kapwa nagulat sina Mama Loi at tita Jegs sa narinig. Mabilis na tanong ng co-host ni Ogie, “Sinong sumugod, kanino?”

“Yun na nga, sinugod daw nitong si Andrea itong si Francine, totoo ba ‘yan?” sambit ng online host.

“Ha? Dahil lang kay Seth?” tanong ulit ni Mama Loi.

“Oo!  Parang ayaw yata ni Blythe na magkaroon ng pagkakataon na magpa-picture ‘yung dalawa, kasi nga ang sabi sa akin ng mga taga-Blythe na source ko, e, iniingatan nga kasi ni Andrea ‘yung loveteam nila ni Seth, ayaw ni Andrea na maguluhan ang mga tao sa loveteam nila,” kuwento ni Ogie base sa nakalap niyang impormasyon.

Pero ang paniniwala ng talent manager, “Pag kaibigan mo naman ‘yung tao di ba, kahit hindi mo ka-loveteam, di ba?”

“At saka apat kayo, di ba ‘yung Gold Squad?” katwiran ni Mama Loi.

“Oo, e, siyempre hindi naman sanay ang mga bagets, ‘ay shet nakalimutan ko may ka-loveteam pala, hindi ako puwedeng pumunta diyan. Kaya lang siyempre friendship naman ‘yung isa.

“Kaya na-off din daw itong si Seth sa ginawa nitong si Blythe na sinugod si Francine (disclaimer ni Ogie na ikinuwento lang sa kanya) at nagalit nga itong si Andrea). ‘Yung eksenang ‘yun medyo na-off si Seth kaya nakita natin (picture) si Seth sa bahay ni Francine tapos picture taking sila ro’n di ba?

“Kasi nga nandoon si Seth para humingi ng sorry kay Francine sa nangyari sa nakaraang Christmas special ng ABS (CBN),” paglilinaw ni Ogie.

“Pero ‘Nay saan galing ‘yung hugot ng selos ni Andrea Brillantes kay Francine over Seth?  Bakit ganu’n kalalim? Parang lalim na may pinanggalingang relasyon? Sila ba?” tanong ni Mama Loi.


“According to my source, ah mga more than two years daw sila.  More than two years sina Seth at Andrea,” pagtatapat ni Ogie.

“Ohhhh kaya!” tanging nasabi ni Mama Loi.

Tuloy na kuwento ng talent manager, “Naging sila noong Kadenang Ginto (shoot), tapos ‘yun nga nabuo na ‘yung love team. Kasi nga itong si Andrea crush niya si Daniel Padilla kaya binigyan si Andrea na kahawig si Daniel at ito nga ‘yung si Seth kaya sila’y nabuo.

“Tapos nagkaroon daw sila ng relasyon tapos nag-split din. So, parang ang inaalagaan na lang ngayon ni Andrea ay ‘yung love team. ‘Yun ang pinoprotektahan niya,” paliwanag ni Ogie.

Pang-uurot naman ni Mama Loi, “Wala kayang konting kurot (selos)? Baka naman may konti pa ring pagtingin si Andrea kay Seth, medyo nahe-hurt pa rin?”

“Si Andrea ang tanungin natin. E, nasa iyo na Andrea kung sasagutin mo ito o pabubulaanan mo. Kaya lang baka magalit si Andrea baka sabihin, ‘napaka-Marites ninyo!’”

Bukas din ang BANDERA para sa panig nina Andrea, Seth at Francine o ng kahit na sino sa kampo nila na gustong magpaliwanag.

Andrea Brillantes, Francine Diaz iniintriga ng netizens, nagkakainitan nga ba?

Seth Fedelin, Francine Diaz may ‘something’ nga ba?

Andrea hindi naghahanap ng dyowa: Masaya na po ako sa relasyon namin ni Seth ngayon

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending