BINI Aiah kay Kyle Echarri: ‘We’re friends and kapwa Cebuanos’
NILINAW ni BINI member Aiah Arceta ang kumakalat na espekulasyon na may “something” sa kanila ni actor-singer Kyle Echarri.
Ito ay matapos silang mamataang magkasama sa Cebu kamakailan.
Naging usap-usapan kasi sa social media ang dalawa matapos kumalat ang isang video kung saan makikitang nasa Mactan-Cebu International Airport sila.
Sa viral clip na mapapanood sa TikTok, makikitang naglalakad si Kyle habang nasa likuran naman si Aiah.
Baka Bet Mo: Pakiusap ni BINI Aiah: Respect our personal time and our humanity
Dahil dito, mabilis na nagkaroon ng iba’t ibang haka-haka ang netizens tungkol sa tunay na estado ng relasyon ng dalawa.
Mas lalong umugong ang tsismis nang lumabas ang ilang larawang kasama ni Kyle sa isang beach trip si Aiah at ilan pa nitong mga babaeng kaibigan.
Pero agad ding nilinaw ni Aiah ang isyu sa comment section ng viral TikTok video.
“Kyle and I are friends and kapwa Cebuanos so no malice po,” giit ng P-Pop star.
Kyle Echarri and friends in Cebu ❤️#KyleEcharri @kyle_echarri https://t.co/46lCcXCUFz pic.twitter.com/AjGsEzKAG8
— kylejohnPE (@kylekkonly) June 2, 2026
Para sa mga hindi aware, nasa Cebu si Aiah para dumalo sa BaiCon, isang pagtitipon ng mga content creator, influencer, at digital communities sa Pilipinas.
Wala namang detalye kung present din si Kyle sa nasabing event.
Matatandaang na-link din noon si Aiah sa Philippine Basketball Association (PBA) player na si Caelan Tiongson, bagama’t wala ring kumpirmasyon o pagtanggi mula sa kanilang dalawa tungkol sa mga lumabas na usap-usapan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
