Andrea Brillantes, Ricci Rivero spotted sa BGC, tanong ng mga 'Marites': Magdyowa na ba? | Bandera

Andrea Brillantes, Ricci Rivero spotted sa BGC, tanong ng mga ‘Marites’: Magdyowa na ba?

Ervin Santiago - March 15, 2022 - 09:29 AM

Andrea Brillantes at Ricci Rivero

Andrea Brillantes at Ricci Rivero

MAGDYOWA na nga ba ang Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes at ang varsity player ng University of the Philippines na si Ricci Rivero?

Yan ang tanong ngayon ng kanilang mga supporters matapos kumalat sa social media ang kanilang litrato na kuha sa labas ng isang restaurant.

May waiter kasi ang nagpakuha ng litrato kasama si Ricci at meron din siyang kuha kasama si Andrea na ayon sa mga netizens ay posibleng kinunan sa tapat ng isang restaurant sa One Bonifacio High Street Mall sa BGC, Taguig City.

Ilang netizens din ang nagsabi na nakita rin nila sina Andrea at Ricci na magkasama sa Xylo restobar sa Uptown, Taguig City last Friday,  Marso 11. Pero may iba pa raw silang kasama nu’ng gabing yun.

View this post on Instagram

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Sey ng ilang fans, may kilig factor daw ang dalawa nang makita nila ang mga ito na magkasama at feeling nila parang may “something” na nga sa pagitan ng mga ito.

Kasunod nito, isang TikTok video naman ang inilabas ng ilang netizens kung saan nakasuot si Andrea ng white jersey ng U.P. Fighting Maroons na may nakalagay na “25.” Ang jersey number ni Ricci bilang player ng UP Fighting Maroons ng UP ay 25.

Sabi ng mga tagasuporta ng dalaga, mukhang kinunan ang video sa lock-in taping ng bagong proyekto ni Andrea , ang iWant original series na “Lyric & Beat” kasama ang ka-loveteam niyang si Seth Fedelin.

Kaya ang question uli ng mga “Marites” ay kung jersey nga ba ni Ricci ang pa-OOTD ni Andrea. At kung totoo ngang magdyowa na raw ang dalawa ay hindi sila kokontra dahil bagay na bagay naman daw sila bilang couple.

Pero siyempre, may mga fans sina Andrea at Seth na hindi naniniwalang may namamagitan na sa dalaga at kay Ricci at baka raw magkaibigan lang ang mga ito kaya huwag muna raw lagyan ng malisya ang kanilang closeness.

Kung matatandaan, na-bash si Ricci kamakailan nang mag-comment siya sa isang Instagram post ni Andrea, as in talagang sinabihan siya ng mga fans na huwag nang makisawsaw sa tambalan nnina Andrea at Seth. Respeto naman daw sa SethDrea loveteam.

Wala pang opisyal na pahayag sina Ricci at Andrea tungkol dito at bukas ang BANDERA para sa gagawin nilang paglilinaw hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

View this post on Instagram

A post shared by Ricci Paolo Rivero (@ricciiirivero)


https://bandera.inquirer.net/302938/andrea-brillantes-sinupalpal-ang-basher-huwag-kang-umasta-na-alam-mo-lahat

https://bandera.inquirer.net/307703/sharon-cuneta-natakot-nang-magpa-root-canal-im-not-matapang-sa-mga-dentista

https://bandera.inquirer.net/293522/bea-dominic-sumabak-sa-bagong-challenge-hindi-tayo-dapat-pabigla-bigla-baka-mag-away-tayo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending