Ricci basag na basag matapos umaming dyowa na si Leren, may patama pa raw kay Andrea: 'Drama-drama sa umpisa aamin din pala!' | Bandera

Ricci basag na basag matapos umaming dyowa na si Leren, may patama pa raw kay Andrea: ‘Drama-drama sa umpisa aamin din pala!’

Ervin Santiago |October 22,2023
facebook
share this

Ricci basag na basag matapos umaming dyowa na si Leren, may patama pa raw kay Andrea: ‘Drama-drama sa umpisa aamin din pala!’

Ervin Santiago - October 22, 2023 - 12:02 AM

Ricci basag na basag matapos umaming dyowa na si Leren, may patama pa raw kay Andrea: 'Drama-drama sa umpisa aamin din pala!'

Andrea Brillantes, Ricci Rivero at Leren Bautista

KALIWA’T KANANG pambabatikos at pang-ookray ang ibinabato ngayon sa basketball player at aktor na si Ricci Rivero matapos amining magdyowa na sila ni Leren Bautista.

Kung maraming natuwa at kinilig sa ginawang pagbandera ni Ricci sa tunay na estado ng relasyon nila ng public servant at dating beauty queen, may mga nangnega at nang-asar din sa magdyowa.

Matapos ngang magdenay nang bonggang-bongga si Ricci na may namamagitan sa kanila Leren matapos ang kontrobersyal na paghihiwalay nila ni Andrea Brillantes ay heto’t buong ningning na niyang ipinagsigawan ang katotohanan sa likod ng mga tsismis.

Ito’y sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kung saan ibinahagi niya ang litrato nila ni Leren na magkahawak-kamay.

Mas lalo pang nabwisit ang mga netizens, lalo na ang mga fans ni Andrea dahil sa ginawa niyang pag-amin sa relasyon nila ni Leren ay may patutsada pa rin siya sa isang taong naging bahagi ng kanyang past.

Nabanggit kasi niya sa kanyang Instagram post na ngayong natagpuan na niya ang babaeng gusto niyang makasama forever ay hinding-hindi na raw siya papayag na manipulahin ng mga pantasya ng ibang tao.

Baka Bet Mo: Leren Mae Bautista umalma sa tsismis sa kanila ni Ricci Rivero, fake news daw: ‘These claims have no basis in reality…’

“To the girl who i see as a real QUEEN. With all the wrongs hounding me , I’m blessed to have found the right one. Allow me to shield you from things you don’t deserve,” saad nito sa kanyang post.

“Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya. Walang nang agaw at walang inagaw. Walang bibitaw dahil masaya tayong magka hawak kamay,” aniya.

“I love seeing how you genuinely continue to help and care for people everyday despite others trying to ruin your reputation. Rest assured I will be with you in inspiring people to always be better. Thank you for being so selfless and simple.

“I promise to never again live a life manipulated by someone’s fantasy. This is our story, hindi dapat iba ang mag kwento ng storya nating dalawa!” ang buong mensahe ni Ricci kay Leren.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga BANDERA readers sa pasabog ni Ricci at sa pagpaparinig niya sa isang taong naging part ng buhay niya noon na pinaniniwalaang si Andrea.

“Time is really the best true teller. drama drama sa umpisa aamin din pala,  hay nako.”

“Magbbreak din kayo arte mo cheater.”

“Sa una lang yan!”

Baka Bet Mo: Ricci Rivero, Leren Bautista spotted na magkasamang namimili sa mall, may ‘something’ nga ba?

“Sus ganyan din sinabe mo kay Blythe ee ahahha.”

“BABAERO’S RULE NO.27: Kapag nahuli ka ng public deny it first then pag wala ng choice sakyan mo na lang!”

“Sulitin mo na lods baka next election hiwalay na kau.”

“Edi shiiiiiing! Yung nag deny ka nung nahuli kayo, pero meron pala talaga.”

“#GoodLuckLoveBirds!”

“OA na tingin ko sau sa una palang.”

“Feelingon na lalaki… Byaan ra japun ka Ana dai. nawong Ana oh.”

“Habang Bata pa tikim lang Ng tikim.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kapal ng Mukha mo Ricci, isinauli mo na ba lahat ng gamit na naibigay sa iyo ni Andrea?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending