Andrea naaadik sa frisbee at ballet, aminadong 'bad texter'

Andrea Brillantes naaadik sa frisbee at ballet, aminadong ‘bad texter’

Ervin Santiago - January 28, 2025 - 06:10 AM

Andrea Brillantes naaadik sa frisbee at ballet, aminadong 'bad texter'

Andrea Brillantes

KAHIT single at wala pa ring dyowa hanggang ngayon ay super happy at contented ang feeling ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes.

Sey ni Andrea, balance na balance ang kanyang lifestyle ngayon lalo’t wala pa siyang pinagkakaabalahang teleserye o pelikula kaya talagang may oras na siya para sa sariling kaligayahan.

“Wala akong show so medyo mas may free time pa ako. Pero sa isang linggo marami nang nangyayari sa akin. Sa isang araw pa lang marami nang nangyayari sa akin.

“Tina-try ko talaga ‘yung best ko na ma-balance ko lahat, na kahit marami akong trabaho, since bata pa lang nagtratrabaho na ako,” ani Andrea nang makachikahan ng BANDERA at ilan pang piling members ng entertainment media sa naganap na Star Magic Spotlight presscon.

Patuloy pa niya, “Hindi lang pag-aartista, pinasok ko rin kasi ‘yung pagiging influencer, dancer, artista tapos ngayon pinasok ko rin ang business, ayoko naman mawalan ng sense of self.

Baka Bet Mo: Jessy tutuparin ang childhood dream: ‘As a ballerina momma tayo ngayon!’

“At ayoko naman na po nu’ng du’n lang ako nakatutok lalo na early 20s pa lang ako. I still wanna be young.

“I still wanna enjoy my youth so tina-try kong mag-find ng time for my friends, for my community sa church, sa friends ko, sa sports,” sey pa ng dalaga.

“After nito (presscon), pupunta ako sa Alabang, pupunta pa ako sa training with my friends,” sey pa ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Frisbee naman (bagong kinahihilgang sports ngayon), bago kong inaaral na sport, bago lang siya. Pero meron akong ballet.

“Yes, it’s a sport now. Naririnig ko merong nagbubulungan ‘Frisbee? Frisbee?’ Masaya siyang sport, guys. Try n’yo. Anyway, so tina-try ko talaga.

“I try to be really intentional with my time and with my time with my family and my friends. Everyday nakakausap ko pa rin ‘yung mama ko.

“Hindi ako texter. I’m really a bad texter, mas ma-call akong person but I try to find time for everything kasi if hindi ka magiging intentional with your time, masasayang mo siya like ako talaga, precious ang time nating lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gusto ko talaga nae-enjoy ang time lalo na ‘pag bagets, may energy ka pa for everything, sinusulit ko,” kuwento pa ni Andrea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending