Andrea Brillantes proud maging ‘independent woman’, ibinunyag ang pagbubukod sa pamilya
DALAWANG taon matapos makumpleto ang ipinatayong bahay para sa pamilya, may panibagong milestone ang Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes.
Nagawa na niya kasing bumukod sa pamilya at may sarili na rin siyang tinitirhan na bahay.
Ito ang ibinandera mismo ni Andrea sa kanyang Instagram post kamakailan lang.
Makikita sa IG ang ilang litrato ng aktres kung saan proud niyang ipinasilip ang kanyang “new home.”
“Just want to give a sneak peek of my new home,” caption niya.
Kwento pa niya, “I moved out of our family house a couple of months ago.”
Baka Bet Mo: Sylvia natatakot sa pagsosolo ni Ria sa buhay: Kasi minsan naaabuso na siya at nasasaktan ako para sa kanya
View this post on Instagram
Makikita sa comment section ang paghanga ng maraming fans at netizens sa pagiging “independent woman” ng young actress.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“Yes naman, independent yarn. Kaya na ba talaga mag sleep mag isa??”
“At your young age, may sarili kang house tapos meron din family mo may negosyo wow enjoy your youth. maghihintay naman kung sino man ‘yun [red heart emojis].”
“Freedom comes responsibility, I hope you’d be a better person living away from your family home…wag na muna marupok ha, no bringing boys muna please [smiling face emoji].”
“I’m glad that you live your life independently and I’m so much proud that in your young age you’ve been the strongest woman of yourself. Continue to grow independently and always be careful of your actions, words and decisions in every situation.”
Matatandaan noong Hulyo, ibinunyag ni Andrea na may “bucket list” siya ngayon para sa mga nais niyang gawin nang mag-isa.
Ilan sa mga nabanggit niya ay magkaroon na ng sariling condominium at matutong magmaneho ng kotse.
“So ngayon guys, meron akong parang assignment sa self ko,” sey niya sa dating vlog.
Paliwanag niya, “May bucket list ako na gusto kong gawin lahat ng mag-isa. Mag-concert mag-isa, manood ng movie mag-isa, makapag-condo at alam niyo ‘yun, lahat ng things na gawin kong mag-isa.”
“Basta doon ako interesado, i-date ‘yung sarili ko. Mahalin sarili ko,” aniya.
Ayon pa sa kanya, ito ang mga naisip niyang gawin upang matutunan na rin niyang mahalin ang kanyang sarili.
“Greatest lesson na natutunan ko so far sa buhay ko ngayon is kailangan mo muna talagang mahalin mo ang sarili mo bago ka magmahal ng iba,” sambit niya.
Related Chika:
Carla natagpuan na ang tunay na kaligayahan: Saka mo siya malalaman kapag mag-isa ka na…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.