Carla natagpuan na ang tunay na kaligayahan: Saka mo siya malalaman kapag mag-isa ka na... | Bandera

Carla natagpuan na ang tunay na kaligayahan: Saka mo siya malalaman kapag mag-isa ka na…

Ervin Santiago |September 20,2022
facebook
share this

Carla natagpuan na ang tunay na kaligayahan: Saka mo siya malalaman kapag mag-isa ka na…

Ervin Santiago - September 20, 2022 - 02:06 PM

Carla Abellana

HINDI mo dapat iasa ang iyong kaligayahan at pagkakaroon ng kapayapaan ng kalooban sa ibang tao.

Yan ang paniniwala ng Kapuso actress na si Carla Abellana na mukhang tuluy-tuloy na ang pagmu-move on matapos ang controversial break-up nila ni Tom Rodriguez.

Ayon sa Kapuso star, napakahalaga ngayon sa kanya ng tunay na kahulugan ng “happiness” lalo pa’t namumuhay na uli siya nang mag-isa bilang independent woman.

Sa panayam ni Carla sa “Sarap, ‘Di Ba?” nitong nagdaang Sabado, September 17, nabanggit ng ex-wife ni Tom na kailangang matutunan ng mga tao na maging kuntento at maligaya kung anumang meron tayo.

“Of course, kailangan ‘yun. Important ‘yun,” ani Carla.

View this post on Instagram

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


“Dapat mahanap mo ‘yun sa sarili mo. Dapat hindi mo mahanap ‘yun sa ibang tao or sa ibang bagay. Dapat you’ll find happiness from within,” chika ng aktres.

Kailan ba niya nalalaman at nararamdaman na masaya siya sa buhay niya? “Saka mo siya malalaman kapag mag-isa ka na.

“Doon mo mararamdaman, doon mo maiisip kapag nagre-reflect ka na, itatanong mo sa sarili mo, ‘Masaya ba ako? Fulfilled ba ako?’ Doon mo siya mas maaano, mas mararamdaman,” sabi ni Carla.

Sa isang bahagi ng guesting ni Carla sa “Sarap, ‘Di Ba?” ay nagbigay din ng mensahe sa kanya ang mga kaibigang sina Valeen Montenegro, Ina Feleo at Max Collins

Nangako ang mga ito kay Carla na palagi lamang silang nandiyan kapag nangailangan siya ng karamay. Anila, walang iwanan sa kanilang pagkakaibigan.

Divorced na sina Tom at Carla at siguradong darating ang panahon na magkakaroon na rin sila ng kanya-kanyang buhay at sariling pamilya.

Sabi nga ni Tom sa official statement niya noon, “It was not a perfect relationship, but we both know how much we loved each other.

“I will no longer dwell on the reasons why our marriage fell apart. So many lies have been said of me which are completely untrue and utterly unfair.

“I may have fallen short as a partner, especially when I lost all my money to someone who preyed on my gullibility, but it must be stressed that at no time did I ever lay a hand on Carla.

“I have accepted her decision that it is time to move forward, independent from each other.

“I have to teach myself how to fall out of love from her. This will be a lonely, painful path that I shall take, but together with my family here in the US.

“I have the strongest support system. I am with people who will never judge and who will only love me unconditionally.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Now that the divorce decree is final, I truly wish Carla’s birthday wish be granted and that she finds the happiness she is searching for,” ang bahagi pa ng pahayag ni Tom.

Carla Abellana natawa sa ginawa ng BBM supporters sa tapat ng bahay niya

Ano ang nag-iisang birthday wish ni Carla Abellana?

Maja kilig na kilig pa rin sa ‘Easter proposal’ ni Rambo: Magtu-2 weeks na pero nasa cloud 9 pa rin ako!

Carla sa nalalapit na kasal nila ni Tom: May mga times na nakakatakot, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending