Ogie Diaz ibinandera kung paano sinigawan si Yen Santos para makaiyak sa eksena: Huwag ka nang mag-artista! | Bandera

Ogie Diaz ibinandera kung paano sinigawan si Yen Santos para makaiyak sa eksena: Huwag ka nang mag-artista!

Therese Arceo - November 07, 2023 - 09:32 PM

Ogie Diaz ibinandera kung paano sinigawan si Yen Santos para makaiyak sa eksena: Huwag ka nang mag-artista!

INI-REVEAL ng talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz na tinalakan niya noon ang aktres na si Yen Santos dahil hindi makaarte.

Sa kanyang latest “Showbiz Update” episode na mapapanood sa kanyang YouTube channel na uploaded noong November 6, isa sa kanilang mga natalakay ay ang mga netizens na nagsasabing masyadong harsh ang talent manager sa pagpuna sa pag-arte ni Anji Salvacion.

Matatandaang isa si Ogie sa mga naging vocal sa pagpansin sa paraan ng pag-arte ng dalaga sa hit serye na “Linlang”.

“Hindi naman ako nanglait. Hindi naman ako namersonal. Naging objective ako, hindi subjective. Ang tinignan ko doon ay ‘yung acting ni Anji at ang isa pang tinignan ko ay kung importante ba ang subplot ng pag-iibigan nila ni Kice, ‘yung kanyang ka-love team sa Linlang.

“So feeling ko hindi bagay, huwag nang ipilit, huwag nang i-push, huwag na. ‘Yun na lang acting ni Anji ang bigyan ng pansin to be better. Magandang motivation ito kay Anji,” saad ni Ogie.

Ibinahagi rin niya na dapat raw ay hindi bini-baby ang mga artista.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz naaawa na kay Dennis Padilla dahil sa pangdededma ng mga anak: ‘Itinakwil na ba siya bilang tatay?’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

 

Ani Ogie, noon raw ay napagsabihan niya ng hindi magandang salita si Yen Santos dahil hindi ito makaiyak sa eksena nila sa “Mutya”.

“Naalala ko noong 2011 ata ‘yun sa Mutya. Talagang si Yen ay hindi makaarte, hindi makaiyak… Sabi ko sa direktor, ‘pwede bang ako na mag-motivate sa kanya?’ Sabi ng assistant director, ‘Huwag muna. Hayaan mo siyang makinig lang ng music’.

“Ang tagal. Sabi ko, ‘My God. Anong oras na? Ang tagal na natin’. Sabi ko sa assistant director, ‘Ibigay mo na sa akin. Ako nang bahala dyan… Sabi kong ganyan, ‘Ano ba yan? Nakakaloka ka. Nag-arti artista ka pa, hindi ka pala marunong umarte. Huwag ka nang mag-artista. Nakakaloka ka. Tignan mo, gusto na naming umuwi, ikaw hanggang ngayon hindi ka pa rin makaiyak. Kaisa-isa at kahuli-huling eksena ito, hindi mo pa magawa.'” pagbabahagi ni Ogie.

Simula raw noon ay hindi na siya nakalimutan ni Yen.

“Mula noon humusay nang humusay si Yen. Talagang ang pagpapatulo niya ng luha, grabe. Para lang siyang may baon baon na paaagusin niya sa pisngi niya,” hirit pa ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa nga raw sa patunay ay ang pagkakapanalo ni Yen sa Gawad Urian noong 2022 para sa pelikulang “A Faraway Land”.

Related Chika:
Ogie Diaz walang kiyemeng pinuna ang teleseryeng ‘Linlang’: Pwedeng syonggalin na yung subplot na nagkakagustuhan sina Anji at Kice?

Ogie Diaz tinawagan ni Baron Geisler, nag-away nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending