Paolo Contis may plano naman daw pakasalan si Yen Santos: 'Pupunta naman du'n pero marami pa akong dapat ayusin' | Bandera

Paolo Contis may plano naman daw pakasalan si Yen Santos: ‘Pupunta naman du’n pero marami pa akong dapat ayusin’

Ervin Santiago |June 26,2023
facebook
share this

Paolo Contis may plano naman daw pakasalan si Yen Santos: ‘Pupunta naman du’n pero marami pa akong dapat ayusin’

Ervin Santiago - June 26, 2023 - 11:28 AM

MARIING itinanggi ng Kapuso actor at TV host na si Paolo Contis na naghiwalay na sila ng kanyang girlfriend na si Yen Santos.

May mga kumalat kasing chika sa social media na nag-break na sina Paolo at Yen, bit it turned out fake news pala ito na pinaniniwalaang kagagawan pa rin ng mga “golden bashers”.

Nabigyan ng kulay ang hindi pagsipot ni Yen sa naganap na premiere night at celebrity screening para sa latest movie ni Paolo na “Ang Pangarap Kong Oskars” na ginanap sa The Block, SM North EDSA last Friday.

Bakit daw hindi man lang sinuportahan ng aktres ang bagong project ni Paolo samantalang naroon at talagang nagbigay suporta ang ilang malalapit na kaibigan ng aktor, kabilang na sina Jason Abalos, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Patrick Garcia, Royce Cabrera, Adrian Alandy at Roadfill Macasero.

Kinukuwestiyon din ng ilang netizens kung bakit hindi raw nagpo-post sa socmed ang celebrity couple ng mga kaganapan sa kanilang relasyon. Mukhang hindi raw sila proud sa isa’t isa bilang magdyowa.

Baka Bet Mo: Paolo Contis nagpasintabi sa mga kinauukulan bago mag-host ng ‘Eat Bulaga’: ‘I think that’s enough…at wala akong inapakang tao’

Depensa naman ng Kapuso star, hindi naman nila kailangang ipangalandakan at ibandera sa buong universe ang mga nangyayari sa kanilang personal lives at para lang ipakitang sweet na sweet sila isa’t isa.

“Personal na buhay namin ‘yun, personal na lang naming ginagawa. I will never put her… I don’t want to put her in that position anymore,” paliwanag ni Paolo nang makachikahan ng press after ng premiere night ng “Ang Pangarap Kong Oskars.”

Sa tanong kung may posibilidad bang mag-level up pa ang relasyon nila ni Yen at umabot sa kasalan, “Eventually, pupunta naman du’n. Marami pa akong dapat ayusin. Oo naman, bakit hindi.”

Siniguro rin niya na sa kabila ng kanyang super busy schedule ay nakapaglalaan pa rin siya ng panahon kay Yen, “Masaya siya du’n sa konsepto ng blessing na ‘to (maraming work).

“Of course she has her own time also for personal things na ginagawa niya, and hindi na namin inaano ‘yung… kumbaga, pagdating sa trabaho, very open naman ‘yung usapan. Blessing ‘yan! Magandang problema ‘yan, ang madaming trabaho,” sey pa ni Paolo.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Derek nilait ng basher, Ellen rumesbak: Ayusin mo muna mukha at kilay mo uy, kalahati na lang naiwan!

Maggie Wilson may matapang na banat kay Victor Consunji matapos makita ang litrato nito na may kasamang baby: ‘Still not annulled…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending