Maggie Wilson may matapang na banat kay Victor Consunji matapos makita ang litrato nito na may kasamang baby: 'Still not annulled...' | Bandera

Maggie Wilson may matapang na banat kay Victor Consunji matapos makita ang litrato nito na may kasamang baby: ‘Still not annulled…’

Reggee Bonoan |April 18,2023
facebook
share this

Maggie Wilson may matapang na banat kay Victor Consunji matapos makita ang litrato nito na may kasamang baby: ‘Still not annulled…’

Reggee Bonoan - April 18, 2023 - 11:53 AM

Maggie Wilson may matapang na banat kay Victor Consunji matapos makita ang litrato nito na may kasamang baby: 'Still not annulled...'

Maggie Wilson

MATAGAL nanahimik si Maggie Wilson, ang estranged wife ng real estate mogul na si Victor Consunji, Jr. dahil nga gusto nitong ayusin ng tahimik ang gusot sa pagitan nila.

Pati na noong mabalitaang nanganak na ang girlfriend ni Victor na si Rachel Carrasco ay nanahimik si Maggie dahil sabi niya ay ayaw niyang madamay ang batang walang kasalanan.

Pero hindi na napigil ng dating beauty queen, entrepreneur at ina ng anak ni Victor ang nararamdaman nang ibandera ng huli ang larawan nilang tatlo ni Rachel habang nakahiga sa dibdib nito ang anak na ilang buwan pa lamang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maggie Wilson (@wilsonmaggie)


Ang caption ng larawang ipinost ni Victor sa kanyang Instagram account, “This beauty had a long day. #NotMe #TheLittleGirlOnMyTummy #IGuessIAmTheCrib #SomeoneAskedIfIShouldHaveABabyAfter45 #ISaidNo #4To5BabiesAreMoreThanEnough.”

Ni-repost ni Maggie ang report ng ABS-CBN News tungkol sa paglantad ni Victor kasama ang kanyang anak at ina nito sa kanyang IG stories kaninang madaling araw.

Aniya, “STILL NOT ANNULLED. STILL NO COMMUNICATIONS. STILL HAVE AN ADULTERY CHARGE. STILL GETTING DEMANDS EVERYDAY. STILL BLOCKED FROM SEEING MY SON.”

Wala naman kaming nabasang reaksyon ni Victor tungkol sa post na ito ng asawa.

Baka Bet Mo: Bakit nga ba biglang naghiwalay sina Maggie Wilson at Victor Consunji after 11 years?

Pero maraming netizens ang nagpakita ng suporta kay Maggie base sa mga nabasa namin sa isang showbiz website.

“Kapaaaal din no?! Public display of how powerful they think they are because of their wealth and they are above the law.”

“Why wont Maggie file a concubinage case against him?! Ano bang ginagawa ng mga babaeng mambabatas natin to update the adultery law?!”

“Tama naman. Out and proud si Victor and girl niya while si Maggie may mga kaso? Fight for your rights Maggie.”

“Infer kay VC, well played. Di sya maidemanda at di na nya kailangan ipag laban ang custody ng anak nya. Win win for him.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Victor Consunji (@victorconsunji)


“I wish all your woes will be gone, Maggie. And praying you will reunite with your son (praying hands emoji).”

“I’m so sad for Maggie. Imagine, pinagkaitan syang makita anak niya at may kaso pang adultery. Samantalang itong nagsampa sa kanya ng kung ano-anong kaso ay proud na pinangangalandakan ang “sabit.”

“I hope she gets justice! What V doing is wrong. Mocking the justice system just because he has money. Bilog ang Mundo.”

“VC is taunting MW to file a criminal case against VC. But to do so means MW must come home to the Philippines and swear on the complaint before a Fiscal. Then VC gets her arrested on a standing warrant of arrest for adultery.”

“Paano? Kailangan yan personal appearance. Pag-uwi nya andaming nakaabang na warrant. Saka mas mahaba po ang kulong ng adultery kesa concubinage at mahirap iprove ang concubinage.”

“Puwede naman iauthorize niya attorney niya to file on her behalf or have her complaint-affidavit apostilled. may anak na nga at ang dami naglipana ang pruweba, kaya na yan filean ng concubinage.”

“God will come through!! Hang tight Maggie! Bilog ang mundo!”

Bukas ang BANDERA sa panig ng lahat ng taong involved sa isyung ito.

Derek nilait ng basher, Ellen rumesbak: Ayusin mo muna mukha at kilay mo uy, kalahati na lang naiwan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maggie Wilson malungkot ngayong Pasko: I was refused time with my son

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending