Derek nilait ng basher, Ellen rumesbak: Ayusin mo muna mukha at kilay mo uy, kalahati na lang naiwan! Bandera

Derek nilait ng basher, Ellen rumesbak: Ayusin mo muna mukha at kilay mo uy, kalahati na lang naiwan!

Ervin Santiago |November 28,2021
share this

Derek nilait ng basher, Ellen rumesbak: Ayusin mo muna mukha at kilay mo uy, kalahati na lang naiwan!

Ervin Santiago November 28, 2021 - 09:36 AM

Ellen Adarna at Derek Ramsay

UMANI ng papuri at sandamakmak na likes at heart emojis ang mga bagong litrato ng dating sexy star na si Ellen Adarna para sa isang digital magazine.

Makikita sa mga Instagram photos ang celebrity mom with her blond hair at nakasuot ng tight-fitting black spaghetti strap. In fairness, talaga namang palaban at nagmumura pa rin ang ganda at kaseksihan ng aktres.

Ilan sa mga pumuri kay Ellen ay mga kapwa niya celebrities tulad nina Ruffa Gutierrez, Isabelle Daza, Ria Atayde at marami pang iba. 

Pero may ilan pa ring netizens ang nagkomento ng mga kanegahan laban sa asawa ni Derek Ramsay. Isang IG user ang pumuna sa boobs ni Ellen, para raw kasing may “something” sa kanyang cleavage.

Comment ng netizen, “Why the cleavage has folds, dba nakita ng nagpicture yan?”

Sinagot siya ni Ellen at sinabing nag-iiba talaga ang itsura o tindig ng boobs ng mga babae lalo na kapag naging nanay na at nagpapa-breastfeed pa. 

Naging “padede mom” din si Ellen noong ipanganak ang panganay nila ng ex-partner na si John Lloyd Cruz na si Elias Modesto na three years old na ngayon.

Sinabihan pa nga ng misis ni Derek ang nasabing netizen na mae-experience rin niya ang pagbabago sa kanyang dibdib kapag naging nanay na rin siya 

“My boobs from watermelons, turned into pancakes after breastfeeding. Motherhood dear.

“Enjoy yours coz it wont be as perky as your profile pic forever (wink and face with sticking out tongue emojis),” ang mensahe ni Ellen sa netizen.


Samantala, sinupalpal din kahapon ng aktres ang isang netizen na  nagsabing “matanda” na sila ni Derek.

Nag-post kasi uli ang bagong kasal ng litrato nilang mag-asawa na kuha mula sa isang pictorial. Sa comments section, nilait ng isang IG user ang mag-asawa.

Sey ng hater, “Kong hindi sila parehang matanda seguro pumili si Ellen ng mas handsome at maputing husband kasi si Derek ay may pagka negro?”

Bwelta naman ni Ellen sa netizen, “Ayusin mo muna mukha at kilay mo uy. Kalahati nalang naiwan.”

#Confirmed: Ellen Adarna, Derek Ramsay ikinasal na!

Na-pressure nga lang ba si Derek na mag-propose agad kay Ellen?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending