Ellen Adarna hindi bet magpadede: If you enjoy it, good for you!
KUNG may isang bagay na ayaw na ayaw ang dating sexy star na si Ellen Adarna sa pagiging nanay, yan ay ang pagpapadede.
Diretsahang inamin ng asawa ni Derek Ramsay na hindi talaga niya bet ang maging padede mom simula pa noong isilang niya ang panganay na anak na si Elias Modesto.
Kamakailan ay ibinandera nga nina Ellen at Derek ang tungkol sa bagong-silang nilang anak na ikinabigla ng mga netizens.
Wala kasing paramdam ang celebrity couple tungkol sa pagbubuntis ni Ellen at ginulat na lamang nila ang madlang pipol na nanganak na pala ang aktres at celebrity mom.
Sa Instagram Story, nag-post nga si Ellen ng kanyang litrato na may nakalagay na breast pumps sa kanyang dibdib. Ito raw ang ayaw na ayaw niya sa pagiging ina — ang breastfeeding o pumping.
Ang pumping ay ang manual na proseso ng pagpiga sa dibdib ng isang nagpapasusong nanay at ang makukuhang gatas mula rito ay inilalagay sa bote bilang reserba.
View this post on Instagram
“The thing i don’t like the most. Breastfeeding / pumping,” ang mababasa sa text caption ng ipinost niya sa IG.
Dagdag na hirit pa ng wifey ni Derek sa mga nanay na nagpapadede sa kanilang mga sanggol, “If you enjoy it, good for you lol.”
Nauna rito ay ni-reveal ni Ellen na bilang nanay, hindi rin niya feel ang mga pa-gender reveal at baby shower.
Sa isa niyang Instagram post ibinandera niya ang video at picture kung saan makikita ang kanyang baby bump noong nagbubuntis. May isang netizen na nagpaabot ng paghanga sa kanya.
Ito ay may kaugnayan nga sa hindi pagge-gender reveal at baby shower ni Ellen para sa panganay nila ni Derek.
“Mabuti pa ‘to kahit may kakayahang mag gender reveal and lahat lahat, still remained quiet lang. Yung kakilala ko, di baleng lomobo ang kautangan, maitawid lang ang mga kapritso na di naman afford,” saad ng netizen.
Sinagot ito ni Ellen, “Hayaan mo lang sila kung ano trip nila sa buhay. Kanya kanyang trip lng yan.
“Basta ako wala kong gender reveal walang baby shower and wala akong utang – diko trip mga ganyan hehehe,” sey ni Ellen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.