Iya mabilis naka-recover sa panganganak: Workout? Tuluy-tuloy na pagpapadede
ISA si Iya Villania sa mga itinuturing na inspirasyon at role model ng mga young mommy sa panahon ngayon.
Ibang klase raw kasi ang pagiging hands-on nanay ng Kapuso TV host-actress and at the same time, nabibigyan pa rin niya ng quality time ang asawang si Drew Arellano.
Bukod dito, bilib na bilib din ang mga kapwa niya nanay sa pag-aalaga niya sa kanyang katawan na kahit ilang beses nang nanganak ay fit na fit pa rin hanggang ngayon.
Tulad nga ngayon na kahit bagong panganak lang sa ikatlong anak nila ni Drew na si Baby Alana Lauren, ay napakabilis agad na naka-recover.
Nag-post si Iya sa Instagram account ng kanyang before and after photo isang linggo matapos siyang manganak.
Aniya, maganda ang epekto ng paggamit niya ng binder sa kanyang tiyan pati na rin ang pagkain niya ng healthy foods.
“Top: Taken right after delivery (tummy is red coz it felt soooo good to scratch).
“Bottom: Taken a week after delivery with the daily use of a binder. Diet: A good mix of nutritious and food that makes me happy.
“Thanks to those sending over all sorts of things from baked goods to ulam. Workout: Round the clock breastfeeding,” ang caption ng Kapuso star sa kanyang Instagram photo.
Pero nilinaw ni Iya na hindi naman niya minamadali ang pagbalik ng dati niyang katawan.
“Crazy what a mother’s body goes thru! Being so much kinder and patient with my body this time.
“My body isn’t where I want it to be but I’m okay with that. It will take time and I’m in no rush,” aniya pa.
“Work starts this week but waiting it out another week before I really get moving and ease back into my regular grind.
“Reminding myself that recovery is just as important and enjoying every minute of it.
“But I can’t wait to sweat again! Will fill you guys in with my journey including all the things that I feel have been helping me recover this time around,” pahayag pa ng misis ni Drew.
Last July 18 isinilang ni Iya si Baby Alana at todo ang pasalamat niya sa mga doktor na nagpaanak sa kanya.
“I love my doctors! As scared as I am of delivery, it’s these ladies that always make me feel secure, confident and safe, especially during a time like this when the husband can’t join in the delivery room.
“Thank you Lord for Your protection and in guiding them thru yet another successful normal delivery,” ang mensaheng ipinost ni Iya sa kanyang IG matapos manganak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.