Bakit nga ba biglang naghiwalay sina Maggie Wilson at Victor Consunji after 11 years? Bandera

Bakit nga ba biglang naghiwalay sina Maggie Wilson at Victor Consunji after 11 years?

Reggee Bonoan |September 29,2021
share this

Bakit nga ba biglang naghiwalay sina Maggie Wilson at Victor Consunji after 11 years?

Reggee Bonoan - September 29, 2021 - 10:41 AM

Victor Consunji at Maggie Wilson

TRULILI kaya ang sitsit ng aming source na third party umano ang dahilan ng hiwalayan ng mag-asawang Maggie Wilson at Victor Consunji?

Tinawagan kami ng taong isa sa mga confidante ng dating beauty queen at aktres na ngayon ay isa nang entrepreneur na kaliwa’t kanan ang itinatayong negosyo sa ibang bansa.

Aniya sa amin, “Finally nagising na si Maggie, ang tagal na niyang alam na may ginagawa ang asawa niya pero tinitiis lamang niya.”

Nagulat kami dahil hindi namin lubos maisip na sa ganda ni Maggie, bukod pa sa matalino, masipag at maasikaso sa pamilya at ipinagpalit ang umuusbong noon na showbiz career para hindi sila magkaroon ng diskusyon ng asawa ay nagawa pang ipagpalit sa iba?

Pinahinto raw kasi ni Victor si Maggie sa showbiz career nito lalo na kapag matagalang taping o shooting kaya pawang hosting job ang puwedeng gawin ng huli.

Sa pagkakaalam namin ang last show na ginawa niya ay ang reality-entrepreneur show na “Project GO” noong Nobyembre, 2020 na umere sa AXN.

Ginusto na rin naman ito ni Maggie at nagdesisyong tulungan na lang ang asawa sa sarili nilang negosyo sa ibang bansa. 

Kaya pala mas madalas sa ibang bansa ang magandang misis ni Victor kaysa rito sa Pilipinas.

Sa pagpapatuloy na kuwento ng taong malapit kay Maggie, “Maraming hawak na ebidensiya si Maggie kasi everytime na may nakakakita kay Victor sa iba’t ibang lugar ay kinukunan siya ng picture at ipinadadala sa kanya.”

Ngunit siyempre, palaging may dalawang side ang isang kuwento, hindi naman natin pwedeng husgahan agad ang asawa ni Maggie dahil wala namang nabanggit ang dating beauty queen tungkol dito.

Sa katunayan, sinabi pa nito na kahit hiwalay na sila ng asawa ay patuloy pa rin nilang mamahalin at susuportahan ang isa’t isa.

Ang sabi nga ni Maggie sa kanyang official statement, “We want you to hear it from us directly. Vic and I have made the difficult decision a while back to separate.

“It’s been challenging to say the least, but we want you to know that there is no animosity between us.

“We will always love and support each other no matter what.”

Si Victor ang founder at CEO ng Victor Consunji Development Corporation at anak ni Isidro Consunji na presidente ng DMCI Holdings, Incorporated.

Ikinasal sina Victor at Maggie noong Dec. 18, 2010 sa Misibis Bay sa Albay.

At pagkatapos ng 11 years nilang pagsasama bilang mag-asawa ay tinuldukan na nila ito. May anak silang lalaking siyam na taong gulang, si Connor.

Sa kasalukuyan ay nasa London si Maggie para sa isang business negotiation at dumalo rin siya sa kaarawan ng kapatid niyang doon ma naka-base.

Bukas ang Bandera.phl sa panig ni Mr. Victor Consunji tungkol sa isyu. Agad naming ilalathala ang ilalabas na pahayag ng ex-husband ni Maggie.

                                                   

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending