Paolo Contis sa mga nagre-report ng socmed page ng ‘Eat Bulaga’: Hindi kami susuko!
NAGPATUTSADA ang Kapuso actor at comedian na si Paolo Contis sa mga netizens na patuloy ang ginagawang pagre-report sa “Eat Bulaga” social media pages.
Kamakailan ay magkasunod na nawala ang Facebook page maging ang YouTube channel ng naturang noontime program.
Sa kabila ng mga nangyari ay masaya pa rin binabati ni Paolo at ng iba pang mga hosts ang mga manonood.
“Happy Tuesday, Dabarkads! It’s Tuesday again, and we choose you every day. Exciting ngayon kasi every day napapanood tayo sa TV, sa Facebook…” sey ng kontrobersyal na aktor.
Singit naman ni Buboy kay Paolo, “Teka, hindi na tayo napapanood sa Facebook, reported.”
Agad namang sumagot ang komedyante at tuluyan na ngang nagpatutsada sa mga nagre-report ng kanilang social media accounts.
View this post on Instagram
“May nabalitaan ako. Sa Facebook daw maraming newscaster—mga nagre-report at nagtagumpay sila. Congratulations!” saad ni Paolo.
Pagpapatuloy niya, “Dahil diyan kayo ang pinaka… ang gagaling niyo!”
Sa kabila nito ay nangako si Paolo na patuloy silang magpapasaya ng mga “Eat Bulaga” hosts.
“Kayo ang pinaka, pero kami, ang gusto lang namin ay magpasaya at mag-enjoy kaya hindi kami susuko,” sey niya.
Hirit pa ni Paolo, “Mapapanood niyo pa rin ang Eat Bulaga! sa Facebook, sa official Facebook page ni Yorme [Isko] at sa official Facebook page ko.May blue check yon, ibig sabihin verified. I-report niyo, i-try niyo kung magtagumpay kayo.”
Segunda naman ni Isko, “Usaping hindi susuko, hindi tayo susuko. Kumbaga, katulad ng mga Dabarkads natin na nanonood, na sa kani-kanilang buhay ay hindi sumusuko.”
Si Paolo ay may 1.8 million followers sa kanyang Facebook page samantalang si Isko naman ay may 5.5 million followers.
Related Chika:
Paolo Contis binanatan ni Rendon Labador: Sustento muna bago papremyo!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.