Paolo Contis binanatan ni Rendon Labador: Sustento muna bago papremyo! | Bandera

Paolo Contis binanatan ni Rendon Labador: Sustento muna bago papremyo!

Therese Arceo |June 08,2023
facebook
share this

Paolo Contis binanatan ni Rendon Labador: Sustento muna bago papremyo!

Therese Arceo - June 08, 2023 - 04:08 PM

Paolo Contis binanatan ni Rendon Labador: Sustento muna bago papremyo
MULI na namang bumanat ang motivational speaker na si Rendon Labador at this time si Paolo Contis naman ang target niya.

Kamakailan ay muli na namang naging matunog ang pangalan ng Kapuso actor matapos isapubliko ng kanyang dating partner na si LJ Reyes ang kanyang engagement sa non-showbiz boyfriend nitong si Philip Evangelista.

At mas lalo pa ngang naging laman ng usapan si Paolo nang mag-appear ito bilang isa sa mga bagong hosts ng “Eat Bulaga” matapos ang pagre-resign ng TVJ at ng iba pang mga hosts ng longest-running noontime show sa bansa.

Marami nga sa mga netizens ang talagang nanggigil kay Paolo na marahil ay nagatungan na lang rin dahil maramo sa mga dabarkads ang mainit ang ulo sa mca bagong hosts dahil nga naniniwala silang walang ibang dapat mag-host sa programa kundi ang mga haligi nitong sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon pati ang iba pang mga original hosts.

At siyempre hindi nga papahuli so Rendon sa isyu at inatake nga ang Kapuso actor sa ginawa nitong pagbibigay ng papremyo sa publiko.

“Anong klaseng pag katao mayroon si Paolo Contis at natitiis niyang mag bigay ng pa-premyo sa taong bayan habang nagugutom ang mga anak? Patigasan nalang ng muka bro?” saad ni Rendon.

Pagpapatuloy nito, “Alam kong nakakatawa ka, pero huwag mo namang gawing nakakatawa pati buhay mo”.

Baka Bet Mo: Paolo Contis aminadong hindi nagbibigay sustento sa mga anak: I had my reasons

Bukod pa rito ay diretsahan niya ring sinabi sa actor-comedian na magbigay ito ng sustento sa mga anak.

“Paolo Contis Ang tigas ng muka mong mag host habang nagugutom ang mga anak mo. Sustento muna bago pa-premyo!” sey pa ni Rendon.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Paolo sa kanyang interview sa “Fast Talk With Boy Abunda” na hindi nga siya nakapagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak.

May tatlong anak kasi ang aktor, dalawa sa dati nitong asawa na si Lian Paz (Xonia at Xalene) at isa naman kay LJ Reyes (Summer).

Pag-amin ni Paolo, “I had my reasons why, but I’m saving for them. I have some savings for them that, hopefully, one day, I could give them straight.

“As I’ve said, I had my reasons, pero anong point? I don’t wanna argue about it anymore. Ayoko na siyang lumaki. It’s a mistake na nasimulan ko ever since before na hindi ako nakapagbigay.”

May mga netizens na sinisi naman si Rendon at sinabing sinunod lang naman daw ni Paolo ang payo niya.

Matatandaang isa rin sa nagpa-viral noon kay Rendon ang sinabi niyang “Iwan pati pamilya” mindset sa isang interview.

Related Chika:
Paolo Contis basag na basag kay Lolito Go, pinaringgan sa pagiging tatay: ‘CHEAT BULAGA’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza kay Paolo: Kahit ano pang isyu mo sa mga nanay ng anak mo obligasyon mo pa ring magpadala ng sustento

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending