Paolo durog na durog dahil sa isyu ng sustento, payo ng netizens kay Yen: 'Huwag kang papabuntis diyan, iiwan ka rin niyan!' | Bandera

Paolo durog na durog dahil sa isyu ng sustento, payo ng netizens kay Yen: ‘Huwag kang papabuntis diyan, iiwan ka rin niyan!’

Alex Brosas |January 31,2023
facebook
share this

Paolo durog na durog dahil sa isyu ng sustento, payo ng netizens kay Yen: ‘Huwag kang papabuntis diyan, iiwan ka rin niyan!’

Alex Brosas - January 31, 2023 - 03:56 PM

Paolo durog na durog sa netizens, payo kay Yen: 'Huwag kang papabuntis diyan, iiwan ka rin niyan!'

Paolo Contis at Yen Santos

NAGING katawa-tawa si Paolo Contis nang aminin niya sa kanyang interview with Boy Abunda na hindi siya nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak kina LJ Reyes  at Lian Paz.

Na-bash nang husto si Paolo at maging ang kanyang girlfriend na si Yen Santos. Marami ang tawang-tawa sa paliwanag ng actor kung bakit hindi siya nagbibigay ng sustento.

Lalo pang napatawa ang netizens when he said na hindi si Yen ang dahilan ng hiwalayan nila ni LJ.

“Advice to Yen, bata ka pa at maganda, buksan mo ang isipan mo, hanggat maaga, wag mong ichallenge ang sarili mo na, iba ka at d gagawin sau ang sinapit ng 2 nauna sau, malaki ang chances mo na makakuha ng higit pa kesa sa may 3 bata na aagawan mo at inaapakan, alam kong pinapayuhan ka ng pamilya mo, sundin mo sila kc dadalhin mo ring mabigat ang ginagawa mong relasyon sa may pananagutan.

“Kaawaan mo ang mga bata, hindi pa huli ang lahat Yen, gumising ka at wag panghinayangan ang mawala sau ang lalaking walang pinanindigan. God bless you Yen,” ang comment ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)


Narito pa ang ibang reactions ng madlang pipol.

“Kawawa ang Contis na ito. Since may batas na ngayon laban sa mga amang di ngsusuporta sa mga anak yari ito daming anak nito magkukumasog itong mgtrabaho pag nahuli to. Dapat nga mahuli e para mabigyan ng leksyon.”

“Alam na may pamilya patulan mo. Mga bata mag supper dito hnd kayo na magulang. Dapat iniisip nyo kapakanan mga anak nyo.”

“Hahaha. Inamin nya na may relasyon sila ni yen pero hindi daw involve si yen sa hiwalayan nila ni LJ. Anong logic yan? Nag jo joke ba or nang gagago ng mga nagbabasa ng statement nya? Ganyan ang typical na pathological liar. Sa galing nya mag palusot, pati sarili nya napapaniwala nya sa kalokohan nya.”

“Mahirap paniwalaan kasi hinde nga nagsusustento sa mga anak. Dapat kasuhan para hinde tularan ng mga lalaking mahilig sa sarap ayaw ng hirap.”

“Wag ka lang papabuntis cgurado iiwan ka din nya ayaw nya ng pangmatagalang responsibilidad kita mo na man di sya nagbibigay ng sustento sa mga anak nya.”

“Di mo nga kayang magsustento sa mga anak mo kay LJ, kukuha ka pa ulit ng isa, di daw dahilan ang bago nyang gf sa hiwalayan nila ni LJ, sinong niloko mo, patawa ka talaga!”

Xian Gaza kay Paolo: Kahit ano pang isyu mo sa mga nanay ng anak mo obligasyon mo pa ring magpadala ng sustento

Chito inamin kung paano napasagot si Neri: I made sure na hahanap-hanapin niya ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paolo kasama ba ni Yen sa kanyang birthday dinner?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending