Paolo kasama ba ni Yen sa kanyang birthday dinner? | Bandera

Paolo kasama ba ni Yen sa kanyang birthday dinner?

Therese Arceo |November 20,2021
facebook
share this

Paolo kasama ba ni Yen sa kanyang birthday dinner?

Therese Arceo - November 20, 2021 - 07:57 PM

Paolo kasama ba ni Yen sa kanyang birthday dinner?

MAGKASAMA nga kaya sina Paolo Contis at Yen Santos?

Ito ang tanong mg mga netizens matapos makita ang Instagram stories ng dalawa.

Makikita sa IG story ni Yen ang isang magandang set-up para sa kanyang birthday dinner na tila pang dalawang tao lamang habang sa IG story naman ni Paolo ay mapapansin ang pagkakapareho ng background ng selfie ni Paolo sa dinner set-up na ibinahagi ni Yen.

Nitong mga nakaraang araw ay usap-usapan na rin ang IG stories ng dalawa dahil tila magka-konekta ito.

May isang netizen pa nga ang nakapansin na naka-tag sa IG story ni Paolo si Yen kung saan tila binabati niya ang aktres ng “good morning”.

Dinner lang kaya ito “as a friend” or dinner bilang “more than friends”?

Matatandaang nag-trending na ang dalawa noong Setyembre matapos pumutok ang balita na hiwalay na si Paolo sa kanyang longtime partner na si LJ Reyes.

Agad na nai-ugnay ang pangalan ni Yen sa isyu na naging leading lady ni Paolo sa pelikulang “A Faraway Land”.

Napansin rin ng mga netizens ang parehas na 0 following nila sa Instagram.

Ilang araw lang matapos kumalat ang balitang hiwalay na sina Paolo at LJ ay ang paglabas naman ng mga larawan at video nina Paolo at Yen na magkasama sa Baguio.

Dito mas tumibay ang hinuha ng mga netizens na “third party” ang rason ng hiwalayan nina Paolo at LJ at si Yen ang diumano’y “third party”.

Ngunit agad naman itong itinanggi ng aktor sa kanyang two-part statement sa kanyang Instagram account.

Aniya, wala raw kinalaman si Yen sa paghihiwalay nila ng partner niya for 6 years na si LJ.

“She was never the reason of our break up, I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was because of me. Masyado nyo siyang dinidiin sa issue na to. Pati pag-promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano,” saad ni Paolo.

Nilinaw rin nito ang isyu patungkol sa mga kumakalat na video at pictures nila ni Yen noon sa Baguio.

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip. Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.

“She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this.”

Ano ba talaga ang totoo, Paolo at Yen?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA para sa inyong pahayag hinggil sa isyu na ito.

Related Chika:
Hiwalayang Paolo-LJ kinumpirma na ni Lolit Solis; kasalanan nga ba ni Yen Santos?
Paolo, Yen patuloy na binabatikos ng netizens; pati past statements binabalikan
Paolo kay LJ: Aaminin ko, naging marupok at g*g* ako…I’m very sorry for everything, sa lahat-lahat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending