Paolo Contis basag na basag kay Lolito Go, pinaringgan sa pagiging tatay: 'CHEAT BULAGA' | Bandera

Paolo Contis basag na basag kay Lolito Go, pinaringgan sa pagiging tatay: ‘CHEAT BULAGA’

Alex Brosas |June 06,2023
facebook
share this

Paolo Contis basag na basag kay Lolito Go, pinaringgan sa pagiging tatay: ‘CHEAT BULAGA’

Alex Brosas - June 06, 2023 - 04:41 PM

Paolo Contis basag na basag kay Lolito Go, pinaringgan sa pagiging tatay: 'CHEAT BULAGA'

BASAG na basag si Paolo Contis sa latest post ng controversial composer na si Lolito Go.

Sa kanyang Facebook account, walang kanerbyos-nerbyos na tinira ni Lolito si Paolo bilang isa sa hosts ng bagong “Eat Bulaga”.

“Baka sabihin nyo wala akong K na icriticize si Paolo while defending Jason (Hernandez). Baka sabihin nyo, double standards. Let me just clarify, cheating should be punished.

“Pero don’t rush into comparing these two guys as one and the same. At least yung isa, umamin. Took all the bashing. Fought for the marriage. Eh itong kupal na ‘to, may accountability ba? Wala. CHEAT BULAGA.

“P.S. May anak pang babae ‘to. At hindi nagsusustento.”

’Yan ang walang katakot-takot na post ni Lolito na talaga namang pinag-uusapan sa Facebook.

Ang daming kumampi kay Lolito.  Walang habas nilang binanatan si Paolo sa kanilang mga comments.

“Salute you sir Straight to the point walang paligoyligoy Yan gusto ko.”

“Hahaha Galit na galit naman. Pero Tama ka HAHA.”

“Magbbigay ng papremyo pero hindi ng sustento. Sugod bahay bata gang. hahaha.”

Baka Bet Mo: Lian Paz proud na ibinandera ang achievements nina Xonia at Xalene, bet nang ipatanggal ang apelyido ni Paolo?

“Sobrang kapal Ng Mukha niyan parang pader Ang kapantay grabe.”

“Agree!!! Proud pang hindi nagsusustento! Yun talaga, wala ng redemption yan lol.”

“Namimigay ng papremyo. Ayaw nya mag sustento.”

“Bakit pa kc sinali Jan c Mula apari Hanggang Baguio as A friend.”

“Ngayong may hosting job sya, sana naman maisipan nya mag abot ng sustento.”

“Kasi iniipon nya daw sa savings nila umay. lakas ng loob mambabae as a friend tapos di nag susustento so iwwss ha ok sana kung nag susustento tong palkups na to kaso ndi.”

Meron namang nagtanggol kay Paolo like this guy who said, “Wag sana i-trash talk yung host and staff / production teams kasi nagta transition lang din sila sa new format at nagta try ng new ideas to fill the show.

“Management ng TAPE sana ang kainisan nyo kung sakali kung hindi kayo nasatisfy sa napanuod or wag na lang panuorin hindi yung lalabas na kasalanan ng hosts at hinahanap nyo yung qualities na wala naman sa kanila,” sabi ng netizen.

“Totoo gigil na gigil sila as if may magagawa ang pang critisize nila. Iniistress lang nila sarili nila. Si paolo katulad din natin yan hinde perpekto,” said another fan of Paolo.

“You don’t have the right to meddle with someone’s private life, marital problems and privacy. Stfu. Get a life,” talak naman ng isang supporter ni Paolo.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Paolo Contis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Paolo Contis aminadong hindi nagbibigay sustento sa mga anak: I had my reasons

Engagement ni LJ Reyes sa non-showbiz BF sampal kay Paolo Contis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending