29 pulis arestado matapos masangkot sa P6.7-B ilegal na droga
MAY arrest order na ang 29 pulis mula sa Manila Regional Trial Court matapos silang masangkot sa ilegal na droga.
Naugnay ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa umano’y iregularidad sa nasabat na 990 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱6.7 bilyon sa Tondo, Manila noong 2022.
Ayon sa inilabas na ulat ngayong araw, tinatayang 20 mula sa mga suspek ang nananatiling “active duty” sa PM, lima naman ang tinatawag na “commissioned officers”, dalawa naman ang lieutenant colonel habang ang natitira ay mga “non-commissioned officers”.
Baka Bet Mo: Ken Chan muling hinainan ng warrant of arrest, bigong mahuli ng mga pulis
Ipinag-utos rin ng korte ang paggamit ng body-worn cameras at recording devices sa gagawing pag-aresto sa mga pulis na sangkot sa ilegal na aktibidad.
“We assure the public that justice will be served. Those responsible for tarnishing the PNP’s reputation will be held accountable both criminally and administratively,” saad ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil.
Kasado na rin ang task force para sa pag-aresto ng mga suspek.
Ayon kay PNP Brig. Gen. Jean Fajardo, lima sa mga suspek ang aktibo pa rin s serbisyo at naka-duty sa National Capital Region (NCR). Ang apat ay nasa Ilocos, tatlo ay nasa MIMAROPA, dalawa sa CALABARZON, at isa sa Central Visayas.
Siyam naman sa mga ito ay posibleng isailalim sa manhunt operations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.