Edu Manzano ‘gigil mode’ sa pulis na nangotong sa kanyang driver

Edu Manzano ‘gigil mode’ sa pulis na nangotong ng P4K sa kanyang driver

Pauline del Rosario - June 10, 2024 - 01:23 PM

Edu Manzano ‘gigil mode’ sa pulis na nangotong ng P4K sa kanyang driver

PHOTO: Facebook/Edu Manzano

HINDI na nakapagpigil at pinalagan ng TV host-actor na si Edu Manzano ang enforcer na pumara sa kanyang sasakyan sa Roxas Boulevard sa Maynila.

Inamin ni Edu na may violation ang kanyang driver, pero ang ikinadismaya niya ay ‘yung pangongotong nito.

Biruin niyo, ang hinihinging pera ng motorcycle cop ay P4,000!

Sa pamamagitan ng X (dating Twitter) ikinuwento ng batikang aktor ang nangyari.

Baka Bet Mo: Edu ibinuking ang mga ‘sikreto’ ni Maricel tungkol sa mga balikbayan box: ‘Nakakaloka ka pa ring kausap!’

“My driver was just stopped by a motorcycle cop on Roxas Blvd. I was sitting in the back while he approached my driver and told him on his violation, Illegal U-turn,” panimula niya.

Patuloy ni Edu, “Yes my driver made a mistake but what upset me more was when he demanded P4K from my driver or else…”

Hindi alam ng enforcer na ang aktor ang nakasakay sa likod ng sasakyan, pero kinompronta niya ito nang marinig na tila lumalaki na ang hinihingi nito sa kanyang driver.

“I lost it. I had to confront the cop,” wika niya sa hiwalay na tweet.

Aniya pa, “He started [with] a seminar, then P2K, then P4K. All the while I was in the back listening while he threatened my driver. I did not mince words.”

May netizen naman ang umusisa kung ano raw ang naging reaksyon ng pulis nang nakita si Edu.

Ang chika ng aktor, “His words… Boss Edu! Gusto pa mag-fist bump. Kambyo bigla. Lalo ako pumitik! I should’ve let it go. I didn’t.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumang-ayon sa kanyang ginawa ang isa pang X user at sinabing: “I wish you had a dashcam or a phone camera rolling. Hope you got the name and report this to the authorities.”

Sagot sa kanya ni Edu, “I have him on audio and yes I got his name. Thinking of what to do next.”

Samsampahan kaya ni Edu ang nangotong na pulis? Bukas ang BANDERA sa kanyang pahayag patungkol sa nangyari.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending