Maricel may ex-dyowa na hindi kasundo ngayon

Maricel may ex-dyowa na hindi kasundo ngayon; mabubuhay kahit walang lalaki

Ervin Santiago |February 04,2024
facebook
share this

Maricel may ex-dyowa na hindi kasundo ngayon; mabubuhay kahit walang lalaki

Ervin Santiago - February 04, 2024 - 08:20 AM

Maricel may ex-dyowa na hindi kasundo ngayon; mabubuhay kahit walang lalaki

Maricel Soriano

KAYANG mabuhay nang masaya at kuntento ng nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano kahit wala siyang dyowa.

Prangkahang sinabi ni Marya na hindi niya kailangan ng lovelife para makumpleto ang kanyang kaligayahan bilang tao at bilang babae.

Sey ng movie icon, mas gusto raw niyang ibuhos ang kanyang atensyon at panahon sa kanyang sarili, sa dalawa niyang anak at sa trabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricel Soriano (@officialmaricelsoriano)


Sa panayam ni Korina Sanchez kay Maricel para sa programa niyang “Korina Interviews” sa Net25, natanong ang Diamond Star kung friends ba niya ang lahat ng kanyang naging karelasyon noon.

Baka Bet Mo: Maricel hiyang-hiya kapag tinatawag na Diamond Star; gustung-gustong makatrabaho sina Daniel at Enchong

Tumango si Marya, pero biglang natigilan at nag-dialogue ng, “Parang nagla-lie ako doon. Hindi. Hindi lahat.

“Isa lang, actually, ang hindi. E, hulaan niyo na lang kung sino. I cannot say the name,” ang chika ng award-winning actress.

Paliwanag ni Maricel, “Pero majority (of them) okay ako sa lahat, except for one person.”

Hindi napilit ni Korina si Maricel na banggitin kung sino ang dating karelasyon na hindi niya naging kaibigan nang maghiwalay sila.

Sure kami na hindi si Edu Manzano ang tinutukoy ni Marya na pinakasalan niya noong 1989, pero naghiwalay din sila after two years. Magkaibigan pa rin hanggang ngayon ang ex-couple.

Naging boyfriend din ni Marya noon ang aktor at dating action star na si Ronnie Ricketts. Nag-ampon pa nga sila noon ng isang batang lalaki, si Marron, na 37-years-old na ngayon.

Baka Bet Mo: Maricel inalala ang panunugod kay Roderick: ‘Sabi ko, ‘Sumakay ka! Hindi ako aalis dito, magkamatayan na tayo!’

Isa pa sa naging karelasyon noon ni Maricel ay ang negosyanteng si Cesar Jalosjos at biniyayaan sila ng isang anak, si Sebastien, na 31 anyos na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricel Soriano (@officialmaricelsoriano)


Kasunod nito, sinabi nga ni Maricel na okay na ang buhay niya ngayon bilang single parent at hindi siya naghahanap ng bagong makakasama sa buhay.

“I’m okay because I’m okay. Without a man in my life, okay lang ako,” sey ng premyadong aktres.

“Wala akong panahon. Kasi gusto kong magtrabaho lang nang magtrabaho para sa mga anak ko naman,” aniya pa.

Reaksyon ni Korina, mukhang ayaw talagang pag-usapan nila ni Marya ang tungkol sa lovelife.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey naman sa kanya ni Maricel, “E, kasi nga ngayon busy ako. Baka ma-‘Who is this?’ ko pa siya, di ba?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending