Maricel inalala ang panunugod kay Roderick: 'Sabi ko, ‘Sumakay ka! Hindi ako aalis dito, magkamatayan na tayo!' | Bandera

Maricel inalala ang panunugod kay Roderick: ‘Sabi ko, ‘Sumakay ka! Hindi ako aalis dito, magkamatayan na tayo!’

Ervin Santiago |November 20,2023
facebook
share this

Maricel inalala ang panunugod kay Roderick: ‘Sabi ko, ‘Sumakay ka! Hindi ako aalis dito, magkamatayan na tayo!’

Ervin Santiago - November 20, 2023 - 06:50 AM

Maricel inalala ang panunugod kay Roderick: 'Sabi ko, ‘Sumakay ka! Hindi ako aalis dito, magkamatayan na tayo!'

Roderick Paulate at Maricel Soriano

INAMIN ng mag-BFF na sina Maricel Soriano at Roderick Paulate na may mga pagkakataong nag-aaway din sila at nagkakatampuhan.

Napa-throwback ang dalawang movie icon sa naganap na presscon ng kanilang reunion movie na “In His Mother’s Eyes” kasama ang Kapamilya singer-actor na si LA Santos.

Naglaglagan at nagbukingan pa nga sila habang binabalikan ang mga pinagdaanan nila noon bilang matalik na magkaibigan. Parang magkapatid na raw talaga ang turingan nila sa totoong buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sabi ni Maricel, solid na solid na raw ang pundasyon ng kanilang friendship nila ni Kuya Dick dahil na rin sa sandamakmak na challenges na kanilang pinagdaanan sa buhay.

“He’s a warm person. No hullabaloos pero you have to get to the point kasi kapag hindi, alam niya kapag pinapaikot mo siya,” chika ni Marya.

“Bata pa lang kami, nagpupurihan na kaming dalawa. Parang sinasabi nya na ‘Huwag kang magsasalita ng ganyan kasi hindi lang naman ako, ikaw rin!’ parang ganon sa kanya,” sey pa ng nag-iisang Diamond Star.

Paglalarawan naman ni Kuya Dick kay Maria, ito raw ang matatawag niyang totoong kaibigan at very down to earth. Talagang sasabihin daw nito kung ano ang gusto niyang sabihin at nararamdaman.

Si Maricel din daw ang tipo ng kaibigan na ilalaban ka nang patayan kaya naman mahal na mahal niya ang aktres hanggang ngayon.

Baka Bet Mo: Roderick Paulate tried and tested na ang friendship kay Maricel Soriano: Ilalaban ako n’yan!

Samantala, naikuwento pa nga ni Marya ang isang pangyayari kung saan pinatunayan nito kay Kuya Dick kung gaano kaimportante ang aktor sa buhay niya.

Minsan daw na nagpunta si Marya sa bahay ni Kuya Dick pero wala ito. Hindi raw alam ng nanay ng komedyante kung saan ito pumunta.

Ang sumunod na tanong ni Maricel ay kung ano ang suot nitong sapatos nang umalis ng bahay. At nang sabihing naka-formal shoes ang aktor ay alam na agad ng aktres kung saan ito nagpunta.

Natagpuan daw niya ito agad-agad, “Sinugod ko siya. Sabi ko, ‘Sumakay ka! Hindi ako aalis dito nang hindi ka nakakasakay sa kotse ko. Magkamatayan na tayo dito!’”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kahit daw sa kanilang respective lovelife ay may say sila sa isa’t isa at wala rin silang itinatagong sikreto.

Samantala, labis ang pasasalamat nina Maricel at Roderick kay Mommy Flor Santos, ang may-ari ng 7K Entertainment na siyang producer ng “In His Mother’s Eyes.”

Sey ni Kuya Dick, talagang na-miss niya nang bonggang-bongga ang tandem nila ni Marya. Huli pa silang nagkasama sa Regal movie na “Gorio and Tekla” noong 1989.

Marami raw silang confrontation scenes ni Marya sa movie na siguradong ikagugulat ng manonood dahil kung sa past movies nila ay puro pagpapatawa ang kanilang ginagawa, dito naman sa “In His Mother’s Eyes” ay susubukan naman nilang magpaiyak at magpasabog ng inpirasyon.

At kung si Maricel daw ang palaging nananampal sa teleserye at pelikula nito, this time igaganti naman niya ang lahat ng mga artistang nakatikim ng pamatay na sampal ni Marya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “In His Mother’s Eyes” sa November 29, mula sa direksyon ni FM Reyes. Kasama rin dito sina Maila Gumila, Ogie Diaz, Ruby Ruiz, Vivoree, Ellyson de Dios at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending