Melai Cantiveros aminadong pinagseselosan si Ivana Alawi

Melai Cantiveros aminadong pinagseselosan si Ivana Alawi: ‘Hinuhuli ko siya!’

Pauline del Rosario |November 16,2023
facebook
share this

Melai Cantiveros aminadong pinagseselosan si Ivana Alawi: ‘Hinuhuli ko siya!’

Pauline del Rosario - November 16, 2023 - 04:38 PM

Melai aminadong pinagseselosan si Ivana, Jason umuuwi ng probinsya kapag nag-aaway sila ng misis

Melai and Jason Francisco, Ivana Alawi

AMINADO ang aktor na si Jason Francisco na nag-aaway din talaga sila ng kanyang misis na si Melai Cantiveros.

‘Yan ang sinagot ni Jason matapos tanungin sa programang “Magandang Buhay” ang tungkol sa kumakalat na tsismis na nagkahiwalay na ang dalawa.

“Sa akin lang, totoo din naman na nag-aaway naman talaga kami. Normal,” sey ng aktor.

Patuloy niya, “Hindi naman kailangang sabihin ‘yun sa mga tao.”

At sabay ibinunyag ni Jason na totoong humihiwalay siya nang saglit sa kanyang pamilya kapag hindi agad sila nagkakasundo ng misis upang makapagmuni-muni nang mag-isa.

“Kaya lang, ayoko kasi ‘yung parang lokohin lagi ang sarili. Pag hindi agad nagkasundo, edi magpahinga muna. Uwi muna ako ng probinsya,” sambit niya.

Paliwanag niya, “Kailangan din ‘yun e kasi kailangang mag-isip isip kung ano ang mga bagay na hindi pinagkakasunduan, pero lagi naman kaming nagkakaayos.”

Sa bahagi ng panayam ay aktong nahuli ang pagiging selosa ni Melai kung saan naging example pa ang naging hirit ni Jason para sa Asia’s Songbird at host ng nasabing programa na si Regine Velasquez.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros na-amaze sa asawang si Jason Francisco: ‘Ang pera mo ay sa ‘yo, ang pera ko ay sa atin’

Alam naman natin na idol na idol ng aktor si Regine at biglang humugot si Jason habang iniinterview silang mag-asawa kung saan nasabi niyang masarap tumingin kung nasaan ang singer.

Agad naman nag-react diyan si Melai at pinagbawalan ang mister.

Tugon tuloy ng aktor, “Kasi ang gusto niya, hindi ako tumingin sa ibang tao.”

“Ay! Selosa ba?” biglang tanong naman ng co-host na si Jolina Magdangal.

Depensa ni Melai, “Masaya ako kapag si Mamshie Reg.”

At kasabay nga niyan ay ibinunyag ni Melai na isa sa mga pinagseselosan niya ay ang actres-vlogger na si Ivana Alawi.

“Pero pag ibang babae. Si Ivana kasi – updated kasi sa bagong post ni Ivana,” pag-amin ni Melai.

Chika pa niya, “Sabi ko, ‘Tingnan mo bagong post ni Ivana.’ Alam mo sabi niya, ‘Nakita ko na ‘yan.’ Hinuhuli ko kasi siya.”

Hirit naman ni Jason, “Alam mo, nakakahiya na ‘yun. Kasi ‘yung pangalan niya nababanggit.”

“Sa totoo lang, alangan naman hindi ko makita ‘yan. Lagi ‘yang trending,” ani pa niya.

Nang tanungin naman ni Regine si Jason kung paano niya sinusuyo si Melai sa tuwing nagkakatampuhan silang dalawa.

Ayon kay Jason, tanggap naman niya ang pagiging clingy ni Melai at iniintindi nalang niya lagi ito.

“Si Melai kasi clingy na babae…Sa akin lang, iniintindi ko, ‘bakit ganito ang babaeng ito, bakit gusto niya ganun’…Sabi ko, ‘Baka may ginagaya ka diyan sa post post…baka masyadong [naimpluwensiyahan] ng Korean novela’,” sambit ng aktor.

Paliwanag naman ng Asia’s Songbird, “Kasi alam mo Jason, sa aming mga babae clingy kami.”

“Actually, may mga kalalakihan na medyo naiinis din ‘sun na minsan wala sa lugar, pero gusto namin ;yun kasi ‘yun ang way namin na kumukuha kami ng atensyon sa asawa namin…Kumbaga ‘yun ang aming lambing,” ani pa ng singer.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Derek, Ellen 3 beses pa lang nag-aaway: Pareho kaming may strong personality, pero…

Ice ibinandera ang sikreto sa 10 taong relasyon nila ni Liza, umaming nag-aaway din: ‘Our goal is to be happy, to stay together forever!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending