Melai Cantiveros na-amaze sa asawang si Jason Francisco: 'Ang pera mo ay sa 'yo, ang pera ko ay sa atin'

Melai Cantiveros na-amaze sa asawang si Jason Francisco: ‘Ang pera mo ay sa ‘yo, ang pera ko ay sa atin’

Therese Arceo |November 11,2023
facebook
share this

Melai Cantiveros na-amaze sa asawang si Jason Francisco: ‘Ang pera mo ay sa ‘yo, ang pera ko ay sa atin’

Therese Arceo - November 11, 2023 - 05:00 PM

Melai Cantiveros na-amaze sa asawang si Jason Francisco: 'Ang pera mo ay sa 'yo, ang pera ko ay sa atin'

Melai Cantiveros, Jason Francisco, Mela, at Stela

IBINANDERA ng Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros kung gaano niya hinahangaan ang kanyang asawang si Jason Francisco.

Sa kanyang interview sa talent manager na si Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay napag-usapan ang patungkol sa pinansyal na aspeto ng pagsasama ng dalawa.

Marami rin kasi ang mga bumabatikos at kumukuwestiyon kay Jason sa pagiging provider nito sa pamilya dahil hindi na siya aktibo sa showbiz at mas madalas na nakikitang kumakayod si Melai dahil mas nakikita ito ng tao na aktibo sa larangan.

Amin niya, nasasaktan siya sa mga nagiging komento ng ibang tao ukol sa asawa.

Lahad ni Melai, “‘Yun nga naaawa ako sa kanya din eh kasi ginaganon siya ng mga tao. Kung sinuman may masasaktan, ‘yung asawa talaga. Siya naman, hindi naman ‘yan masasaktan kung sino ‘yung binabato nila. Pero ikaw, masasaktan ka talaga.”

Sa kabila nga ng mga pambabatikos kay Jason ay hinahangaan pa rin niya ang asawa dahil seryoso uto sa responsibilidad nito bilang ama.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros kinilig nang sunduin ni Jason Francisco: Ganito pala ang feeling masundo ng afam

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kuwento ni Melai, “Pero sobra akong na-amaze nga sa asawa ko kasi nung una pa kaming nagsama, kasi old school siya na lalaki. Nung una, pinag-awayan namin kung sa’n kami titira. Eh syempre ako, matigas ang ulo ko, ‘Titira ako sa Gensan,’ sabi niya, ‘Eh ako sa Mindoro. Ha? Nag-asawa pa tayo,’ sabi niya.

“Dapat daw kasi ang babae daw sumunod daw sa lalaki eh syempre may pagkamatigas ang ulo ko. So hanggang natapos ‘yung usapan, ‘Sige sa Mindoro na lang tayo titira.”

Isa pa sa hinangaan ni Melai kay Jason ay ang sinabi nito sa kanya ukol sa kaperahan.

“Pangalawa na dun ako na-amaze naman sa kanya is sabi niya ‘Ang pera mo ay sa’yo, ang pera ko ay sa atin.’ So dun ako na-amaze kasi dun din ‘yung time na wala din akong trabaho kasi nga nagbubuntis din ako, sa Gensan ako nun.

“So na-amaze talaga ko nun sa kanya kasi bigay talaga siya nang bigay ng pera. ‘Yung sobre talaga. Na-aappreciate ba ng mga tao ‘yun? ‘Di ba? Hindi naman naa-appreciate ng mga tao ‘yun,” sey ni Melai.

Ayon pa sa “Magandang Buhay” host ay hindi pinakikialaman ni Jason ang kanyang pera na kinikita nito sa pata-trabaho.

“Kaya ako lang ang nakakaalam sa suweldo ko, kaya ako lang ang nakakaalam at manager ko kung ano ang pumapasok sa bank account ko,” ani Melai.

“Pero siya [Jason] pag may pera siya, hinuhulog niya sa akin. Tapos ako naman ang magba-budget, kung ano lang ang gusto niyang kunin,” pagpapatuloy niya.

Ipinagtanggol rin ni Melai ang asawa sa mga bumabatikos rito.

“Kailangan ko pa bang sabihin sa mga tao yun? Na ganon ang asawa ko? Isa yun sa mga dahilan kung bakit talagang parang, siyempre, nag-i-stay ka sa asawa mo, yung respeto.

“Hanggang ngayon hindi niya alam ang mga TF [talent fee] ko. Tanungin mo siya. Wala… at hindi yan magagalit,” sabi pa ni Melai.

Hirit pa niya nararamdaman niya na apektado rin ang asawa sa mga bashers ngunit hindi lang nito ipinapahalata sa kanya.

Pagbabahagi ni Melai, “Dahil nga may pagka ma-pride. Pero ako nararamdaman ko sa kanya na medyo nasasaktan din siya. Siyempre, pagkatao na niya ang tinitira.

“Minsan nada-down ka talaga. Kaya minsan, kaya siguro isa din yan sa reason kung bakit ayaw na niyang mag-artista… Ayaw na rin niyang sabihin yung mga ginagawa niya sa buhay.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Melai Cantiveros ibinandera ang magiging role sa isang Korean movie: Sobrang best blessing ever ito ni Lord

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Melai Cantiveros ‘confirmed’ na dadalo sa Asia Artist Awards 2023

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending