Jason Francisco nag-request sa madlang pipol, todo support kay Melai: Manood at support natin ang pinakamaingay na babae na kilala ko | Bandera

Jason Francisco nag-request sa madlang pipol, todo support kay Melai: Manood at support natin ang pinakamaingay na babae na kilala ko

Therese Arceo |October 17,2023
facebook
share this

Jason Francisco nag-request sa madlang pipol, todo support kay Melai: Manood at support natin ang pinakamaingay na babae na kilala ko

Therese Arceo - October 17, 2023 - 05:03 PM
Jason Francisco nag-request sa madlang pipol, todo support kay Melai: Manood at support natin ang pinakamaingay na babae na kilala ko

FULL support ang dating “Pinoy Big Brother” housemate at komedyanteng si Jason Francisco sa kanyang asawang si Melai Cantiveros sa paparating nitong pelikula.

Sa kanyang Facebook post kahapon, October 16, ibinandera niya ang official poster ng pelikula ni Melai na pinamagatang “Ma’am Chief Shakedown in Seoul”.

Saad ni Jason sa caption, “KAMSAMIII [emojis]. Sabay sabay po tayo manuod at suport naten ang pinaka maingay na babae nakilala ko.

Let’s Gow,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Jason Francisco may nakakalokang birthday wish: Sana magdikit na ngipin ng mama n’yo

https://www.instagram.com/p/CyTJamzvchr/?img_index=1

Matatandaang kasabay ng kanilang ilang araw na pananatili sa South Korea ng pamilya Francisco ay nabanggit ni Melai na magkakaroon siya ng project at shooting sa naturang bansa.

Pag-amin ng asawa ni Jason, dream come true para sa kanya ang naturang pelikula base na rin sa kanyang Instagram post kamakailan.

“Kagigising ko langga Kamsamiiiii, itu na agad bumungad sa akin. Yes totoo ang balita tuloy na tuloy na kmi papalabas sa November 15 in Cinemas nationwide [emojis],” sey ni Melai.

“[Excited] na kami makita ninyu ang comedy/action na ginawa nmin as in the Best,” dagdag pa ng asawa ni Jason.

Marami naman sa comment section ang nagpaabot ng kanilang congratulatory messages para sa Kapamilya TV host-comedienne.

“Sana may special appearance diyan yung tatlo Mela, Stela, and Jason haha,” hiling ng isang netizen.

Comment naman ng isa, ” action-comedy film! ~ Congrats in advance Melai @mrandmrsfrancisco & sa lahat ng cast.”

“Plot twist, lalabas si Papa Jason,” Sey naman ng isa.

Kasama ni Melai sa pelikula sina Karylle, Jennica Garcia, Alora Sasam, Al Tantay, Sela, Guia, Enzo Almario, Bernadette Estrada, at with special participation ni Lee Seung Gi.

Related Chika:

Melai Cantiveros, Jason Francisco ayaw tantanan ng ‘hiwalayan’ issue, ano nga ba ang totoo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Melai sa nakakalokang reaksyon ng 2 anak nang makita ang kanilang poster: ‘Hindi sila makapaniwala na nasa mall ang mukha nila’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending