Jason Francisco may nakakalokang birthday wish: Sana magdikit na ngipin ng mama n'yo | Bandera

Jason Francisco may nakakalokang birthday wish: Sana magdikit na ngipin ng mama n’yo

Therese Arceo |October 12,2023
facebook
share this

Jason Francisco may nakakalokang birthday wish: Sana magdikit na ngipin ng mama n’yo

Therese Arceo - October 12, 2023 - 04:05 PM

Jason Francisco may nakakalokang birthday wish: Sana magdikit na ngipin ng mama n'yo
NAGDIWANG ang dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Jason Francisco ng kanyang kaarawan nitong Miyerkules, October 11.

Ibinahagi nga ng asawa nitong si Melai Cantiveros sa kanyang latest YouTube vlog ang naging munting surpresa nila ng kanyang mga anak na sina Mela at Stella para sa kanilang haligi ng tahanan.

Lumabas mula sa kwarto ang kanilang dalawang chikiting bitbit ang lobo at maliit na cake para kay Jason habang kinakantahan ng “Happy Birthday” ang ama.

Agad naman itong nagpasalamat sa mga anak sabay halik sa mga pisngi ng mga ito.

Kinaaliwan nga ng madlang netizens ang apat dahil nang susubukan nang humalik ni Melai kay Jason ay nag-gesture ito ng pa-krus sa mukha ni Melai.

“Hindi ka pari. Asawa kita,” sey ni Melai sabay kiss sa asawa.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros, Jason Francisco pinaampon ang mga anak, Stella tuwang-tuwa

Sumingit naman si Steya na plano atang magbigay ng birthday message para sa ama ngunit inunahan niya na ito.

“Sana magdikit na ang ngipin ng mama n’yo,” pabirong sabi ni Jason.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pabiro namang sinampal ni Melai sa mukha si Jason.

Hirit pa ng “Magandang Buhay” host, “Basta wish namin sa ‘yo, lagi ka naming mamahalin.”

Kinulit-kulit pa ni Melai si Jason habang kumakanta si Mela sa tabi nito at si Steya naman ay sumisigaw at pinipilit na sumiksik sa ama.

“Tumahimik na kayo. Please lang,” sey pa ng kanilang Papa upang sawayin sila sa kanilang kalikutan at kaingayan.

Sa mga sumunod na clip ay ibinandera nila ang simpleng handaan upang ipagdiwang ang kaarawan ni Jason.

Samantala, nag-post naman si Melai sa kanyang Instagram account ng kanyang birthday greeting para sa asawa.

“Happy Bday My forever enemy/lover.
Thank you Lord that i , found you…. kasi di ako maka kiat sa buhay ko dahil ikaw ang prefect of disipline sa buhay ko. parang naasawa ko ang tatay ko and that you Mr. Jason Francisco pero papangako at sisisguraduhin ko sayu na guguluhin ko buhay mu,” sey ni Melai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Melai Cantiveros, Jason Francisco ayaw tantanan ng ‘hiwalayan’ issue, ano nga ba ang totoo?

Melai sa nakakalokang reaksyon ng 2 anak nang makita ang kanilang poster: ‘Hindi sila makapaniwala na nasa mall ang mukha nila’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending